Heartstrings
© Copyright 2013 All Rights Reserved
Daniel’s POV:
Alam niyo na siguro kung anong nangyari kanina. Syempre talo siya.Naalala ko pa din yung itsura niya kanina nung lumapit samin yung teacher at tinanong kung anong problema. Ayun sinabi ko na siya na nga ang nilalapitan pero ayaw niyang tanggapin yung offer kong maging partner niya.
Nag-emote ako para mas totoo yung 'drama' kanina pero napaniwala ko naman silang laha.Well except sa kanya. Alam niyo na kung sino siya. Hiyang-hiya siya kanina nung pinatitinginan na kami halos pulang-pula na yung buong mukha niya.
Sayang nga hindi ko na picturan ng remembrance.
“…mukha yatang masaya tayo ngayon, ha??...” sabi ni Gothico. Nandito kami ngayon sa canteen lunch break kasi namin.
“…natatawa lang kasi ako sa nangyari kanina…” sagot ko.
“…pahingi nga niyan…” inabot niya yung French fries kay Katsumi.
“…mamaya pala may practice tayo ha…” sabi samin ni Jay Ace.
Nagnod kaming lahat sa kanya.
“…o sige na alis na ako may assignment pa akong gagawin e…” tumayo na si Myco samin.
“…pare, mamaya na lang pagbalik natin… papakopyahin na lang kita…” sabi naman ni Gothico kay Myco.
“…hindi ka ba magrereview sa test natin mamaya ha?...” tanong niya naman.
“…Ay! Oo nga pala…” tumayo na din si Gothico.
“…sige mga pare…”sabay tapik sa balikat namin.
“…mamaya na lang ha…” umalis na silang dalawa.
“…alis na din ako… mamaya na lang ulit…” tumayo na din si Katsumi. Ininom na namin ni Jay Aceang natitirang juice na nasa baso at umalis na din. Ilang minutes na lang kasi next subject na katulad ng parating sinasabi ng mga teacher na dapat nasa loob na ng classroom bago pa sila dumating.
Nicole’s POV:
Naglalakad ako sa hallway ng napansin ko si kuya na mukhang nagmamadali? Dahil sa curiosity ko sinundan ko siya baka dito ko na malaman kung ano ba talaga ang pinagkakaabalahan nito ngayon. Ayaw niya kasi saking sabihin kaya kung anu-anong na-iisip ko ngayon.
Nagtatago ako agad kapag alam kong lilingon na siya o di kaya may mga taong nakakasalubong. Mahahalata kasing sunusundan ko siya e di na buking ako agad. Sayang naman ang pagkakakataon na yon..
BINABASA MO ANG
Heartstrings:The Deal [Completed]
FanfictionHeartstrings [your deepest feelings of love and compassion] Continuation ng fan-fic just click the HEARTSTRINGS: EXTENDED CHAPTERS HEARTSTRINGS: The Deal ONE OF MOST-READ FILIPINO STORIES ON WATTPAD 2014 written by: ilovemitchietorres © Copyright 20...
![Heartstrings:The Deal [Completed]](https://img.wattpad.com/cover/675450-64-k482820.jpg)