Heartstrings
Kathryn's POV:
Ang bigat-bigat ng pakiramdam ko ngayon. Pakiramdam ko ang dami kong dinadala sa dibdib ko. Hindi ko na magwang makapagfocus pa di tulad ng dati na kapag may problema tinitignan ko lang to bilang pagsubok pero ngayon bakit hindi ko na magawa?
Ang hirap...
Ang hirap isipin lalo na kapag hindi mo alam kung bakit pa nararamdaman ko ito. Yung parang may maling nangyayare o nagawa ka. Matagal ko ng pinagiisipan ito kung ano bang nagawa ko sa nakaraang araw pero ni isa wala akong mapoint-out.
Ayoko yung ganito yung nangyayare sakin.
Hindi ko ako mapakali sa isang tabi at hindi ako mapapanatag hanggang hindi ko nalalaman ang sagot sa mga bagay na bumabagabag sakin. Nahihirapan na talaga ako at pakiramdam ko hindi ko na yata kakayanin pa kung magtatagal ang ganito.
"... O, anak may problema ba?..." napatingin ako kay mama. Naghahain na siya ng almusal naming dalawa ngayon sa lamesa. Hindi ako nakatulog ng maayos kagabi siguro nakaidlip lang ako nung madaling araw na.
"... wala po ,ma..." sagot ko.
Naupo na ako at tinignan na lang ang platong nakahain sa harapan ko.
"... anak, pwede kang magsinungaling sa iba pero sakin... yan ang hinding-hindi mo maitatago sakin alam mo yon..." sabi ni mama sakin pero hindi ako kumibo.
Naupo si mama sa tabi ko at hinawakan ang aking kamay.
"... ano bang problema?..." nag-aalalang tanong nito sakin.
Nakikita ko sa mga maa niya kung gano sa nag-alala sa kalagayan ko ngayon. Isa yon sa pinakaiiwasan kong mangyare ayokong nakikitang ganyan si mama. Ayoko ng dagdagan pa yung mga iniisip niya hanggang kaya ko pa hindi ko sa kanya sasabihin.
Umiling ako at ngumiti sa kanya.
"... wala ma..." sabi ko.
"... Kathryn..."
"... wala po to ma... mga problema lang sa school. Ang dami po namin inaasikaso ngayon.." pagsisinungaling ko.
Alam kong hindi niya pinaniniwalaan ang sinabi ko.
Hindi na lang ako kumibo ulit.
"... Kathryn, anak...." tinignan ko ulit siya. "... alam mo namang nandito lang si mama sa tabi mo parati diba? Kung may problema ka sabihin mo sakin agad..."nagnod ako sa kanya.
"... ayaw ni mama na nakikitakang ganyan. Alam mo bang mas nahihirapan ako, anak?..." sabi ni mama sakin.
"... ma, wala naman po yon e..." sabi ko.
"... O, sige hindi na kita pipilitin pa kung ayaw mo saking sabihin ngayon. Pero.... kung kailangan mo ng kausap nandito lang ako,ha?..." nagnod ako sa kanya.
BINABASA MO ANG
Heartstrings:The Deal [Completed]
FanfictionHeartstrings [your deepest feelings of love and compassion] Continuation ng fan-fic just click the HEARTSTRINGS: EXTENDED CHAPTERS HEARTSTRINGS: The Deal ONE OF MOST-READ FILIPINO STORIES ON WATTPAD 2014 written by: ilovemitchietorres © Copyright 20...
![Heartstrings:The Deal [Completed]](https://img.wattpad.com/cover/675450-64-k482820.jpg)