Heartstrings
Daniel's POV:
Nawala na sa loob ko na intindihin pa yung hawak ko ng mapansin kung gaano kami kalapit sa isa't-isa. Halos magkadikit na ang katawan naming dalawa ni Kathryn pero sa tingin niya hindi niya to pansin kasi nakafocus lang ang attensyon niya sa cellphone.
Hindi na ako makagalaw pa sa pwesto ko ngayon dahil nacorner na ako. At ng subukan niya pang abutin iniwas ang kamay ko hanggang sa nabitawan ko na ng tuluyan.
Nakita ko kung pano slow-motion na tumata ito sa bato bago nashoot sa tubig.
Sh*t.Patay na.
Ang bato pala na nakapagtrap sakin sa likod e yung dating fish pond na hindi na namaintain kaya ang labas puro lumot na.
At ngayon kasama na non ang cellphone ni Kathryn.
Nalintikan na.
Ng sulyapak ko siya kitang-kita ko ang gulat sa mukha niya ng dahil sa nangyare. Khait ako nga nagulat din dahil hindi ko naman talaga lubos akalain na babagasak yon don.
Tinignan niya ako.
Galit na galit siya.
".... Tignan mo ang ginawa mo!..." hinampas niya ako ng malakas.
".... Aray ko!..." daing ko.
Hinapas niya pa ako ng ilang ulit.
"... Ang kulit mo kasi e! Hindi ka nakikinig sakin!..." sigaw niya.
Napahawak siya sa mukha niya.
Naguilty ako sa ginawa ko.
".... hindi ko naman sinasadya..." sabi ko.
"... Sigurado kang hindi mo sinasadya? Kung hindi mo kasi inagaw sakin una pa lang.... at kung hindi mo talaga intensyon na magpahabol hanggang dito sa mini forest e di sana hindi nangyare to! Ito ba ang hindi mo sinasadya?!..." galit na sabi niya sakin.
Natameme ako don dahil ngayon ko lang siya nakitang ganito naggalit.
Nakakatakot pala.
"... s-sorry... hindi ko naman talaga sinasadya ang nagyare---"
Tinaas niya ang kamay sa harapan ko.
".... tama na. Nanyare na e.... wala ka ng magagawa don..." sabi niya.
Naglakad na siya.
".... Kathryn saglit lang!..." sigaw ko.
BINABASA MO ANG
Heartstrings:The Deal [Completed]
FanfictionHeartstrings [your deepest feelings of love and compassion] Continuation ng fan-fic just click the HEARTSTRINGS: EXTENDED CHAPTERS HEARTSTRINGS: The Deal ONE OF MOST-READ FILIPINO STORIES ON WATTPAD 2014 written by: ilovemitchietorres © Copyright 20...