Heartstrings editing-

23.2K 140 27
                                    

Heartstrings: Chapter 46

Kathryn's POV:

Napaka-ingay at ang gulo-gulo na naman sa loob ng klase at alam niyo ba kung bakit? Dahil lang naman sa pinatawag lahat ng teacher sa office para magmeeting. Iniwanan naman kami ng gagawin dahil siguro matatagalan kaya pinagsamantalahan naman to ng mga studyanteng magliwaliw.

Hay, mga classmate ko nga naman...

"... uy, bakit ang tahi-tahimik mo diyan ha?..." may nagsalita sa tabi ko. Nagbabasa kasi ako ng libro sa gilid. Bakit ba pinakekealaman na naman niya ako sa gusto kong gawin? kaya nga gumilid na ako ng hindi ako maistorbo -_-

Hindi ko na lang papansinin baka sakaling umalis.

Naglipat ako ng page.

"...psst... uy..."

"... ano ba! Nakitang nagbabasa ako dito e... ano na naman bang problema mo ha?..." inis natanong ko sa kanya. 

Tinignan ko lang siya ng masama lalo na nung nginitian niya lang ako.

"... pwede ba... please lang kahit minsan lang wag kang makulit Padilla..." pakiusap ko. Ok, ano? Ako pa talaga ang kailangan makiusap sa kanya para kahit MINSAN tantanan niya muna ako. Ang aga-aga na naman kasi nagsisimula siya. Bakit ba hindi na lang yung iba naming classmate ang pagtripan niya nakakainis na kasi e...

"...woah... may naririnig ba akng pakiusap galing kay Bernardo?..." tanong niya habang nangingiti. "... ano nga ulit yung sinabo mo? Tama ba yung narinig ko.... pakiulit nga ulit..." nilapit niya yung tenga na sakin na para bang hindi marinig.

Hindi na nagbago na ang isip ko! Wala na kapag nagsimula na siya kahirt na anong pakiusapan ang gawin ko wala ding magagawa. Bahala nga siya sa buhay niya!

"...WALA. Wala akong sinabi kaya makakalis kana at iwan mo na akong matiwasay dito..." hindi ko na siya tinignan pagkasabi ko non.

"...E, pano kung ayaw ko?..." paghahamon niya.

Easy lang,Kath hindi ka pa ba sanay sa katigasan ng ulo niyang lalakeng yan.

"...may magagawa pa ba ako?..." sarcastic na tanong ko.

Ngumiti na naman siya. 

Napabuntong hininga ako. Sa araw-araw na ginawa ng Diyos ganito na lang kamiparating nagbabangayan. Siya naman ang nangunguna hindi ako at kung hindi siya nangungulit e di sana payapa ang mga umaga ko hindi katula nito...

Naupo siya sa arm chair na nasa tabi ko at hindi pa nakuntento ang loko nilapita pa sa pwesto ko. Wala ba siyang pakialam sa mga classmate naming nanadito rin sa loob? Hindi naiilang ako pero diba naman parang ang awkward lang kasi....

Heartstrings:The Deal [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon