Heartstrings
© Copyright 2013 All Rights Reserved
Kathryn's POV:
Dahil malapit ako sa may bintana tinignan ko na lang yung mga tao sa labas na naglalakad. Hindi ko namalayan na matagal na pala kong nakatitig ng meron akong narinig na nagsalita sa tabi ko.
"...hinahanap mo ba ako?...." napalingon ako bigla.
Nakangiti siya.
Hindi yung parang panggreet sa umaga.
Yung ngiting nangaasar sa umaga.
Yun ang itsura niya ngayon.
Kailan pa ba siya nagbago?
Hindi pa rin siya nagsasawang asarin ako sa araw-araw na nandidito ako sa loob ng campus.
Samantalang sawang-sawa na ako sa kakasaway sa kakulitan niya.
Sigh.
I just glared at him habang siya nakangiti sakin.
"...at sinong may sabi na hinahanap kita?..." tanong ko habang nakataas ang isang kilay.
"...as I remember wala akong sinabing ganon..."
"...sus, palusot pa...." bulong niya.
"...e bakit nakita kitang nakatingin don sa upuan ko..... at tinignan ang buong classroom na para bang may hinihintay ka..." nakakabwisit yung ngiti niya.
"...ano naman ngayon masama ba?...." tanong ko.
"...hindi..." siya.
"...o, hindi naman pala e... anong problema mo?..." sabi ko.
Nilapit niya yung mukha niya sakin.
"...ang problema ko?..." umatras ako ng konti.
"...e kung pano ka mapapa-amin na hinahanap mo nga ako..." sabi niya.
"...pwes, kahit anong gawin mo.... hindi ko sasabihin yon dahil hindi ko naman talaga sinabi yon simula pa lang..." paninindigan ko. Binaling ko na lang ulit yung attention ko don sa labas. Sigh. Pressure na nga ako sa gagawin ko para don sa candidacy at nakaisabay pa tong lalakeng to sa pang-aalaska sakin.
May naramdaman akong kumalabit sakin.
Dedma lang.
May kumalabit ulit.
Ay ang kulit!
BINABASA MO ANG
Heartstrings:The Deal [Completed]
FanfictionHeartstrings [your deepest feelings of love and compassion] Continuation ng fan-fic just click the HEARTSTRINGS: EXTENDED CHAPTERS HEARTSTRINGS: The Deal ONE OF MOST-READ FILIPINO STORIES ON WATTPAD 2014 written by: ilovemitchietorres © Copyright 20...
![Heartstrings:The Deal [Completed]](https://img.wattpad.com/cover/675450-64-k482820.jpg)