Ikalimang Kabanata

794 34 9
                                    

"Meryenda ka muna Lily" wika ni Manang Estela pagkatapos ilapag sa center table ang juice at sandwich.

"Ay salamat po Manang" sagot ko naman, nagpaalam rin siya agad sa akin dahil may gagawin pa raw ito.

Mag-isa kong naiwan sa may Living room ng bahay ni Ms. Irene dahil si Ms ay nagtungo sa kanilang kwarto upang kunin daw iyong ointment, si Sir Greggy naman ay may aasikasuhin lang daw saglit pero agad na babalik.

Ipinalibot ko ang paningin ko sa buong bahay, mayaman nga talaga sila Ms. Irene dahil halatang hindi ordinaryong gamit lang ang mga kagamitan, mapapansin mo na ito'y mamahalin.

"Bakit hindi mo pa ginagalaw iyang meryenda mo? Tatanggihan mo nanaman ba?" Wika ni Ms Irene kaya napalingon ako sakanya, palapit na siya sa akin kaya umayos ako ng upo.

Napansin ko na nagiba ang mood ni Ms simula nung tinanggihan ko siya sa alok niya na gagamutin ang paso ko. Siguro ay nasobrahan ko rin sa kakatanggi kaya feeling niya hindi ko siya gusto.

"Patingin yung kamay mo na nabuhusan" simpleng wika nito pagkaupo sa nay tabi ko.

Tahimik ko namang iniabot sakanya ang kamay ko, dahan dahan niya itong tinignan at pinahiran ng ointment.

Wala siya sa mood, anong gagawin ko? Baka bigla nalang akong ipakain nito sa mga alaga nila huhu.

"Sa susunod mag-ingat ka at kung may ganitong pagkakataon man, lagyan mo agad ng first aid kung napaso ka or nasugat" pagsermon niya, tahimik naman akong tumango.

Nang matapos niyang pahiran ng ointment ang kamay ko ay tumingin siya sa akin kaya iniwas ko ang tingin ko dahil parang natatakot ako.

Ngayon nalang ako ulit nasungitan ng ganito, matagal tagal na rin simula nung may nanermon sa akin ng ganito. Hindi naman ganito manermon sila Ma'am Perez sa akin, pag sinesermonan nila ako napapatawa ko pa sila pero iba kay Ms. Irene ni isang salita ay hindi ko mabigkas dahil sa takot.

"Mahapdi ba?" Medyo mahinahon niya ng tanong sa akin.

Umiling naman ako, "pag nahahawakan lang po tsaka ko nararamdaman ang hapdi" tumango ito.

"Pasensya ka na kung nasungitan kita kanina ikaw naman kasi eh" wika niya.

Hala ba't ako?

"Tuwing malapit kasi ako sayo palaging kang umiiwas, palagi kang tumatanggi kaya naf-feel ko na parang ayaw mo sa akin" napatingin ako sakanya.

"Ayaw mo ba talaga sa akin? sa anong dahilan? Iyon bang napagalitan kita nung nalate kayo? O ayaw mo sa akin dahil pinalitan ko si Ma'am Perez as adviser niyo?"

Luh pinagsasabi ni Ms. Irene? Wala lang naman ng lahat yun sa akin bat niya naisip yun?

"Nako hindi po, wala na po sakin lahat yun"

"Eh bakit lagi kang umiiwas?"

"Pasensya na po Ms kung ganun ang nafeel ninyo, nangangapa pa po kasi ako tuwing kasama ka eh. Pasensya na po hindi lang po kasi ako sanay na may bago akong kasama ganun, pero promise I'll do my best para masanay na dahil alam ko naman na hindi na kita maiiwasan, nakakatakot ka kaya magalit" wika ko sabay tawa para kahit papaano gumaan ang paligid hehe.

"Nakukulitan ka ba sa akin? Pasensya ka na rin kung masyado akong naging feeling close, akala ko kasi makakaclose rin kita agad kasi nakita ko na masyado kang malapit sa ibang teachers"

"Hala selos ka po? Joke, pero nope hindi ka naman po makulit. Natutuwa po ako na tinatry mo yung best mo para mapalapit hindi lang sa akin kundi sa mga students mo po" napangiti naman siya.

Path of a Lost FlowerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon