"Teka Lily, biglaan naman ata? Magkausap pa tayo kanina ah"
"Tito naisip ko lang po, atsaka po gusto ko na pong ayusin kung ano man po ito"
"But why need to remove all your bodyguards hija? You need them"
"I know po pero sa tingin ko naman po hindi naman na po ako malalagay sa alanganin kung wala na sila. Kaya ko na po sarili ko Tito, kahit yung kila Tiya Helen nalang po ang iwan niyo" pinipilit ko na huwag umiyak habang nakikiusap kay Tito Bong, ngayon pa nga lang nakakahalata na siya paano pa kaya kung napansin niya ng umiiyak ako?
"Lily hindi ako sang-ayon sa desisyon mong ito. Kakausapin ko muna si Manang about dito"
"Pero Tito gusto ko na 'hong ipaalis ang mga bodyguard ko. Please po, kaya ko po ang sarili ko. Ilagay niyo nalang po sila sa dati nilang binabantayan"
"Lily I know something is off, can you tell me what's the problem hija?"
"Wala pong problema gusto ko lang pong alisin ang mga nagbabantay sa akin. Bukas po papasok ako at ayaw ko pong may umaaligid sa akin na bodyguard, trust me with this tito wala pong mangyayaring masama sa akin"
"I can't lily. Its for your safety"
"Ganito nalang po, patanggal niyo po muna mga bodyguard na binigay niyo sakin at kung may nangyari sa aking kakaiba bukas ibalik niyo po. Pero pag wala tuluyan niyo na po silang alisin sa akin"
"Pagiisipan ko pa lily, kakausapin ko pa sila Manang dito"
"Tito Im serious, ipatanggal niyo na po please lang"
"Give me a valid reason first"
"Naiirita na po ako tito, kahit hindi naman sila nagpapakita sa akin nararamdaman ko at alam ko na nasa paligid lang sila nakabantay sa akin. Ayoko ng ganun, hindi ko na po matiis kaya ayoko na" naiiyak na wika ko, hindi ko lubos maisip na nagsisinungaling ako kay Tito Bong para lang tuparin ang kasunduan namin ni Ms.
"Sabi na eh may ibang dahilan. Okay Ill talk to manang about this after our session at ipapatanggal ko muna sila na magbantay sayo. But take note pag may nangyari bukas asahan mo na ibabalik ko sila" wika niya.
"Huwag ka ng umiyak diyan, basta tawagan mo parin ako ah? Update us on time please"
"Opo salamat po, mauna na po ako at may trabaho pa kayo. Bye po" wika ko sabay end call. Hindi ko na hinintay ang sagot niya dahil hindi ko na kayang tumagal ang usapan namin.
Habang tumatagal mas lalong nagiging mahirap para sa akin na layuan sila.
--------
"Jenny tara na, sa ibang canteen nalang tayo kumain" wika ko.
"Huh? Kakarating lang natin ah? Bumibili na nga si Del Valle oh" wika ni Jenny.
Kitang kita ko ang tingin ni Ms. Na nasa dulong mesa nakaupo. Nagkatinginan kami nito pero una akong umiwas.
"Wala pala akong gusto dito, ayoko na ng Palabok gusto ko yung shawarma. Tara" wika ko sabay hila sakanya
"Del Valle sunod kayo, sinusumpong nanaman itong si Lily eh" pahabol niya bago ko siya tuluyang mahila.
"Ano ba Lily ang weird mo" reklamo nito habang nagtitingin kami ng food
"Sorry na andun kasi si Ms. eh, ililibre nalang kita shawarma" wika ko agad naman itong napangiti basta talaga libre eh.
------
"Tito nakauwi na po ako at wala naman pong masama o kakaibang nangyari sa akin kahit na walang bodyguard" wika ko sa telepono.
"Are you sure with that?"
"Opo promise po"
"Okay, basta tell me kung dapat bang ibalik sila para bantayan ka"
"Opo, sige po may gagawin pa po ako salamat po" agad ko ng inend ang tawag at huminga ng malalim.
Ang hirap ng ganito. Kahit anong pilit kong umiwas sakanila ang hirap kasi sila yung lumalapit.
Nang magsabado ay tumawag si Tiya Helen sa akin, nabanggit ko na pupunta ako sa bookstore para mamili ng ilang materials para sa school. Binanggit niya kung maari na daw ba kaming magusap bukas kaya pumayag na rin ako. Nac-curios ako kung ano iyong sasabihin niya eh.
Pagkalabas ko ng Bookstore ay dumiretso na ako sa BGC kung saan may mga upuan na pwedeng tambayan, umorder na rin ako ng iced coffee habang naghihintay kay Tiya.
Habang sumisipsip ng kape ay may napansin akong lalaking nakatingin sa akin. Nag-iba ang pakiramdam ko pero hindi ko na ito pinansin dahil baka nasaktuhan lang na paglingon ko ay nakatingin siya.
Mahigit 30 minutes pa bago makarating si Tiya, napansin ko rin iyong lalaki na nasa may pwesto niya parin at paminsan minsan ay napapatingin sa gawi ko.
Gusto ko sanang umuwi na kaso iniisip ko si Tiya, nasa biyahe pa siya. Bumiyahe pa siya para makausap ako kaya hindi ko ito pwedeng icancel ng biglaan.
Hindi ako mapakali sa lalaking nakatingin kanina pa kaya naman minessage ko si Tita kung nasaan na siya at kung matagal pa ba siya para alam ko kung aalis muna ako.
Medyo nakahinga ako ng maluwag nang mapansin ko na umalis na yung lalaki.
Napagpasiyahan ko na umalis muna para magcr dahil bigla akong naiihi, sa sobrang kaba ko ata ito kanina.
Habang naglalakad ay parang may nakatingin sa akin kaya binilisan ko ang lakad ko. Kinuha ko ang cellphone ko at akmang tatawagan sila Tito Bong nang makaramdam ako ng panghihilo at paghila sa akin, pilit kong minulat ang mata ko at naaninag ko ang dalawang lalaking nakamask manlalaban pa sana ako pero nanghina ako hanggang sa maging black na lahat at mawalan ako ng malay.
°°°°°°
Happy Sundayyy everyone!
BINABASA MO ANG
Path of a Lost Flower
FanfictionSi Lily ang batang pilit na hinahanap ang tamang daan patungong tamang landas upang matagpuan ang magandang kinabukasan. Ano nga ba ang tatahaking Landas ng nawawalang bulaklak? Tutubo ba ito sa gitna ng unos na puro damo ang nasa paligid?