"Yes Alf, we're still looking for her anak wala pa gaanong update eh"
"Just call us kung kailangan na naming umuwi mom ha?"
"Sure anak but you focus on your work there. Bantayan mo yang si Luis diyan, Xandra told me na susunod daw siya sainyo diyan next week"
"Mabuti naman kung ganon mom, sige I'll end this call na and I still have lots of works" wika niya sabay end ng call.
Ilang sandali pa ay may kumatok, nakita ko sila Ma'am Yen at Ma'am roda sa bandang pintuan kaya pinapasok ko ang mga ito.
Nasa school kami ngayon dahil brigada na, paghahanda sa nalalapit na balik skwela
"We just came here to ask if there's a new update na kay Lily Ma'am" tanong nila.
"Sorry but wala pa eh, hindi ko na rin alam kung saan siya hahanapin" mahinang sagot ko, siguro dahil sa hiya at disappointment sa sarili.
Kita ko rin sa dalawa ang labis na pag-aalala sa anak ko.
Kahit anong selos at sama ng loob ko alam kong may part sa akin na nagpapasalamat sakanila dahil genuine yung pagmamahal nila sa anak ko.
"H-hindi n-nya ba kayo triny na icontact? Si Ma'am P-perez baka nakausap niya" umiling iling sila.
"Steph told us na pag hindi pa siya nahanap in a week uuwi ito"
"P-pero kakabalik niya lang sa London diba?--"
"Ganun niya kamahal si Lily, Irene. She will do everything just to make sure na Lily is safe, na she is okay at higit sa lahat na masaya si Lily" sagot ni Ma'am Yen na kinatahimik ko.
Kung tutuusin pagdating sa anak kong si Lily, walang wala sa kalingkingan ng effort ko sa mga nagawa ni Steph. Sobra niyang mahal ang anak ko, kaya hindi ko masisisi si Lily kung bakit panay rin ang pili niya sa mga ito kaysa sakin.
Masakit isipin pero iyon ang realidad. Sana pala hinayaan ko nalang sila, sana pala tinanggap ko nalang na hindi ko na talaga mababago iyon, sana hindi ko nalang siya pinaalis.
"She's blaming herself, alam niyang nagtatampo sakanya si Lily nung huli silang nagusap" napatingin ako kay Ma'am Roda dahil sa narinig.
"Nag-away ba sila?"
"Nope, she called Steph and told her na ituloy nalang nila yung plano nila na kukunin niya ito sa London. Hindi pumayag si Steph kasi alam niya na kailangan niyo rin siya, she really loves Lily but she knows her limitations. Actually hindi mo lang alam but she always help you tuwing nagkakaroon kayo ng misunderstanding ni Lily. Panay ang kampi niya sayo, she is explaining your side kasi naiintindihan ka niya" napatango ako at naluluha.
Alam kong malaki ang utang na loob ko sakanila. Iyong pagkupkop at pag-aruga nila sa anak ko malaking bagay na iyon.
I know na mabubuti silang tao and hindi nila gusto na nag-aaway kami ni Lily. Ramdam ko sakanila na kahit malapit na malapit sila sa anak ko ay nais nilang magkaayos kami. Palagi nilang tinutulak si Lily palapit sa akin tuwing hindi kami okay.
Iyon ang masakit sa part ko, iyong buong puso silang pinipili ni Lily. Palagi silang pinipili ni Lily kahit na tinutulak nila ito palapit sa akin.
"Ma'am We are not telling this to make you feel guilty but we are telling you this for you to know that we are not your enemy. Kahit isa sa amin wala kang kalaban, hindi kami nakikipagkompetensya sayo kay Lily. We want the best for you guys, gusto namin masaya si Lily kaya we always help her para magkaayos kayo" tumango tango ako.
"I know I-im sorry, h-hindi ko lang talaga mapigilan minsan na magselos kasi ramdam ko na mas mahal niya kayo sa akin. Na if I will make her choose kayo palagi ang pipiliin niya over us---"
BINABASA MO ANG
Path of a Lost Flower
FanficSi Lily ang batang pilit na hinahanap ang tamang daan patungong tamang landas upang matagpuan ang magandang kinabukasan. Ano nga ba ang tatahaking Landas ng nawawalang bulaklak? Tutubo ba ito sa gitna ng unos na puro damo ang nasa paligid?