"Lily anak are you mad at us? Please talk to us naman oh, where are you? We can't find you. Sorry if we were not able to watch your performance, nagkaemergency kasi anak I hope you understand""Diba you told mommy na may sasabihin kay after your play, what is it anak? Let's set a dinner date and let's talk please?"
"Lily anak please talk to us naman oh, where are you?"
Napailing nalang ako nang mabasa ko ang ilan sa maraming message nila sa akin. Marami pang dumarating na messages galing kila Tito Bong, Tita Liza and Tita Imee pero hindi ko na binasa inoff ko na ang phone ko para matigil na sa ito sa kakatunog
Lumabas na ako sa room na narent ni Ma'am sa resort na tinutuluyan ko sa Ilocos. Mabuti nalang at malapit sa mga tourist spot at beach ang resort na ito.
Its been 5 days simula nung matapos ang play namin, kinabukasan nun ay nakausap ko si Ma'am Perez panay ang tawag nito sa akin dahil alam nito na kahit naging matagumpay ang play namin ay malungkot ako dahil nabigo nanaman ako nila Ms. Irene.
Flashback.
"Lily lagpas tanghali na at nakahiga ka parin diyan, bumangon ka na at kumain wala pang laman ang tiyan mo" halos galit na na wika nito sa cellphone.
"Hindi po ako gutom"
"But you have to eat, C'mon what do you want to do?"
"Do you know kung ano ang sasakyan ko patungong Ilocos?"
Kitang kita ko ang pagkunot noo ni Ma'am Steph
"Ilocos? Do you want to go there? With whom?"
"Ako lang po, gusto kong magbakasyon dun Mam. Ayoko magstay dito kasi alam kong anytime pupuntahan ako nila Ms dito. Ayoko muna silang makausap, gusto ko pong makapagisip isip para malinawan"
"But its too dangerous for you to commute at that age. Delikado lily di kita mapapayagan diyan"
"Please Mam, ayoko rito. Kahit ilang araw lang uuwi naman ako agad"
"Bakit sa Ilocos pa? Ang layo layo nun pinakadulo pa ng norte lily"
Hindi ako nakasagot at natahimik ako.
"Okay Fine papayagan kita but promise me na you will always update me on time. Hindi ka rin magccommute, I won't allow you"
"Eh paano ako makakapunta dun?"
"I'll call our driver there para ihatid ka sa Ilocos, ako ang magbbook ng place mo dun at tatawagan mo ako kung uuwi ka na para masundo ka ulit"
"Hindi po ba nakakahiya? Nakakaabala pa ako Mam, magcommute nalang ako Steph"
"Deal or No deal? Huwag ka nalang umalis kung magccommute ka, sige ka isusumbong kita kay Tita Helen"
"Oo na po sige na payag na ako sa ihahatid at susunduin nalang ako paguuwi. Basta promise me na hindi mo ako papasundan para may magbantay sa akin, kilala po kita"
"Okay fine, hindi kita papasundan kila Yen"
"And please tell them na huwag sabihin kahit kanino kung nasaan ako incase na may magtanong"
"Fine, basta you need to update me on time"
End of Flashback.
"Magandang Umaga Kuya Fidel" bati ko sa Staff ng Resort.
BINABASA MO ANG
Path of a Lost Flower
FanfictionSi Lily ang batang pilit na hinahanap ang tamang daan patungong tamang landas upang matagpuan ang magandang kinabukasan. Ano nga ba ang tatahaking Landas ng nawawalang bulaklak? Tutubo ba ito sa gitna ng unos na puro damo ang nasa paligid?