-IRENE-
"Greggy Wake up na, I cooked our breakfast. Greg wake up na hon" wika ko habang niyuyugyog si Greggy, napakahirap talagang gisingin ng isang ito. Tulog mantika lagi.
"Hmmm"
"Wake up na honey" wika ko, unti unti niyang minulat ang mata at tumingin sa akin. Ngumiti naman ako sakanya at hinalikan siya.
"Good Morning Honey, You better wake up na at nagluto ako ng breakfast"
"Wow, himala at di ka nagmamadali ngayon?"
"Oh C'mon masyado ka ng busy at pati araw ay hindi mo na alam. Today is Holiday" wika ko natawa naman siya.
"Dalian mo na riyan at kakain na tayo. I'm hungry na" wika ko at nagpout. Pinisil niya naman ang cheeks ko kaya napasimangot ako
"Oo na, hintayin mo na ako sa dining at susunod ako" tumango naman ay at sinunod ang sinabi niya.
Ilang sandali pa ay nakita ko na siyang naglalakad palapit sa dining. Humalik ito sa pisngi ko at umupo na para makakain kami.
"Walang pasok ngayon, Pupunta ba dito si Lily? Sayang gusto ko sanang makibonding sainyo kaso may meeting ako"
"I invite her to go here but she refused may ibang lakad ang bata"
"Ganun ba? So what are your plans for today?"
"Wala? I honestly don't know. I do have a lot of plans pero kasama si Lily, I guess matutulog ako buong araw?" Greggy chuckles
"Why don't you join Lily kung saan siya pupunta?"
"No na hon I'm fine here. Baka makulitan na yung bata sa akin"
"Okay, but If I were you I'll ask lily"
"Pagiisipan ko"
--------
"Irene? Wala ka bang pupuntahan ngayon? Tumawag ang Manang Imee mo at pinapasabi na pupunta raw siya rito mamaya"
"Sige po Manang, salamat po"
Lagpas alas onse na ng umaga at wala parin akong planong gawin.
"Tinatanong nga rin pala niya kung andito si Lily, bakit nga pala hindi pumunta rito ang batang iyon?" Tanong ni Manang Estela.
"May lakad po manang, pero sige po tatanungin ko ngayon kung anong oras siya uuwi at imbitahin ko na rin dito maghapunan" wika ko ngumiti si Manang sa akin bago umalis.
Dinial ko ang number ni Lily sa phone ko, nakailang ring ito bago niya sinagot ang tawag.
"Hello?" Ibang boses na bungad sa akin.
"Hello, who's this?"
"Sino po ito?"
"Im Lily's adviser, may I know if who am I talking with?"
"Ay Pasensya na po kayo Ma'am, Tulog ho kasi si Lily at umatake ang asthma nito, ako po si Sister Mary Ann"
"Po? Kamusta po si Lily ngayon? Ano pong nangyari?"
"May nalaman po kasi si Lily na di kanais nais na balita kaya iyak ng iyak di namin mapatahan hanggang sa umatake asthma niya, mabuti nalang at may nebulizer"
"Is she okay now? Can I talk to her?"
"Maayos naman na po siya nagpapahinga, tulog po ma'am eh"
"Ganun po ba? May I know po kung nasaan kayo? Pupuntahan ko lang po si Lily to check her" ibinigay ni Sister ang lugar nila at nilista ko naman ito.
BINABASA MO ANG
Path of a Lost Flower
FanfictionSi Lily ang batang pilit na hinahanap ang tamang daan patungong tamang landas upang matagpuan ang magandang kinabukasan. Ano nga ba ang tatahaking Landas ng nawawalang bulaklak? Tutubo ba ito sa gitna ng unos na puro damo ang nasa paligid?