Ika-walumpu't isang Kabanata

808 59 23
                                    

"Lily anak, Lily bangon ka na riyan at kakain na kayo" rinig kong wika ni Manang Stela sa labas ng kwarto ko.

"Opo Manang, susunod na ho ako" medyo malakas na wika ko naman para marinig ni Manang.

"Sige Dalian mo at naghihintay na si Zia at ang daddy mo"

Bumangon na ako at agad na naghilamos muna bago lumabas ng kwarto.

Dalawang araw na simula nung makauwi ako galing sa hospital, hindi ako pinapayagang lumabas muna ng bahay dahil nga sa kailangan ko pang magpalakas. May kaunti paring panghihina sa katawan ko pero mas ramdam ko na lumalakas na ako.

"Good Morning Vianne anak"

"Good Morning Vi" sabay na bati ni Daddy at Zia, nilapitan ko ang mga ito at bumeso bago umupo sa harap ni Zia.

Wala si Kuya Luis at Kuya Alfie dahil sila ang nagbabantay ngayon kay Mommy sa hospital.

"Pagkatapos rito ay tutungo na ako sa Hospital para sunduin ang mommy niyo"

"Really dad? Vi we should cook mom's favorite dish" natutuwang wika ni Zia kaya tinanguan ko ito.

"Wag masyadong magpagod girls ha?"

"Yes dad, Don't worry"

-------

"Vianne is this okay na? Taste it dali, baka mamaya kulang lasa" wika ni Zia habang tinitignan ang niluluto naming Kare-kare.

Lumapit ako sakanya at sumandok kami ng kaunti para tikman iyon

"Tamang tama ang timpla Zi, tikman mo" wika ko at tumikim rin siya. Nagliwanag naman ang mukha nito at mukhang nasisiyahan dahil masarap ang naluto namin

"Manang tikman mo po dali, Come here masarap manang" tuwang tuwang wika ni Zia pagkakita niya kay Manang Estela na naglalakad palapit sa amin.

"Masarap nga, siguradong matutuwa sila Irene nito pag natikman nila" komento niya kaya napangiti kami.

Hinugasan ko na ang mga gamit na nasa lababo at pagkatapos nun ay naligo na ako dahil pauwi na sila Daddy.

"Vianne? Are you there?" Wika ni Zia habang kumakatok sa pinto ng kwarto ko.

"Pasok!" Wika ko naman, bumukas ang pinto at nakita ko si Zia na nakaligo na rin at ayos na ayos.

"Kakain lang tayo, hindi tayo papasyal" wika ko.

"I know, Im just so excited na ngayon lang ulit tayo mabubuo. Antagal din nating di nakumpleto noh" wika niya napatango naman ako.

"Oh meron pa pala sayo itong stuff toy ba ito? Vianne its too dirty na palabhan mo na kay Man---

"Don't touch it Zi, hayaan mo lang yan diyan"

"Pero madumi---"

"Hindi ko yan nilalabhan kaya ganyan, hayaan mo na" wika ko naman kaya napakibit siya ng balikat.

Maya maya pa ay may narinig na kaming sasakyan na huminto sa labas. Sila Mommy na iyon.

"Tara na Vianne, salubungin natin sila mommy" wika ni Zia.

"Mauna ka na Zia, magsusuklay pa ako. Susunod ako agad"

"Osige sumunod ka kaagad ha" wika nito at agad na lumabas ng kwarto.

Tinapos ko muna ang pagbblower ng buhok at sinuklay ito bago mapagpasyahan na lumabas na ng kwarto.

Pababa palang ako ng hagdan ay rinig ko na ang boses nila Kuya at Zia na nagkikwentuhan.

Dahan dahan akong naglakad patungo sa sala kung saan nasaan sila. Napatingin sila sa akin at nakita ko ang pagwala ng ngiti sa labi ni mommy.

Galit pa ba siya?

Path of a Lost FlowerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon