Ika-walumpu't tatlong Kabanata

960 50 18
                                    

"Are you sure you okay there? Don't you want to go out for a while? We will join you, tara road trip" wika ni Jenny habang nagvvideo call kami sa group chat namin.

Its been three days simula nung nagkausap kami ni Mommy, ramdam ko ang pagbabago ng mga tao sa bahay.

Si Kuya Alfie ay bumalik sa ibang bansa para sa kompanya, paminsan minsan ay nangungamusta ito. Si Kuya Luis naman ay madalas umaalis ng bahay ngunit uwian lang din ito, sinisigurado nito palagi na maayos kami kahit marami siyang lakad. Si Zia ay nakahanap ng pagkakaabalahan ngayong bakasyon, ang pagsali sa Badminton tournament kaya panay ang ensayo nito.

Si Mommy at Daddy naman ay parang biglang naging busy sa buhay, as if I know umiiwas lang sila. Habang ako naman ay nandito lang parati sa bahay.

"Im fine here Jenny, don't worry. Sa susunod na tayo gumala, Wala talaga ako sa mood lumabas ng bahay eh. Gusto ko lang dito" wika ko.

"Basta If you need us just call us ha?" Wika naman ni Rico. Tumango ako at ngumiti.

"Oh sige na bye muna maglilinis pa ako ng kwarto eh" paalam ko bago iend ang call.

Agad na akong naglinis ng Kwarto at sunod kong ginawa ay naligo na. Nang matuyo ang buhok ko ay inidlip ko muna saglit.

Bandang alas tres nang maramdaman kong may gumigising sa akin, minulat ko ang mata ko at nakita si Zia at Kuya Luis.

"Sorry if we woke you up but Tita Imee is here, she wants to see you" wika ni Kuya Luis, tumango ako ng unti dahil hindi pa ako gaanong nahihimasmasan sa pagkakatulog.

"Sumunod ka kaagad Vianne" wika naman ni Zia at sabay na silang lumabas ng kwarto ko.

Inayos ko muna ang sarili ko bago tumungo sa Living Room kung saan naririnig ko ang mga boses nila.

"Tita andiyan na po si Vianne" wika ni Zia kaya napatingin sila sakin.

Lumapit ako kay Tita Imee at niyakap ko ito.

"Miss you tita" wika ko

"I missed you too hija, how are you na?"

"Fine naman po, kayo po? Mukhang busy kayo at ngayon lang nagkaroon ng free time ah"

"Oo eh, we have a lot of movie projects kasi. We are launching and at the same time inasikaso namin yung showing na movie na ginawa namin" napangiti ako.

"Kaya naman po pala super busy niyo, But remember na you need to sleep and take a rest rin ha?"

"I will po madame" pabirong wika nito kaya natawa kami.

"Oh Let's eat, May dala akong food. Binili namin ito ni Tito Rod niyo bago pumunta dito, your tito wants to stay here pa sana kaso marami siyang trabaho kaya hinatid niya lang ako" wika ni Tita Habang naglalakad kami patungo sa Dining para kumain ng meryenda.

Habang kumakain kami ay nagkikwento si Tita ng kung ano ano na nakapagpaaliw naman sa amin.

"Is that Mom?" Wika ni Kuya Luis nang may narinig kaming sasakyan na huminto sa harap ng bahay.

Ilang saglit pa nga ay nakita namin si Mommy na naglalakad papasok.

"Irene, come join us. San ka ba galing?" Wika ni Tita. Mukhang nagulat pa si Mommy nang makita ito dito.

Lumapit siya kay Tita at bumeso, akala ko ay si Tita lang ang lalapitan niya pero pumunta siya sa aming lahat para humalik sa pisngi.

"Mabuti at nakadalaw ka Manang"

"Yeah, nagpahatid ako kay Rod. San ka pumunta? Sabi ni Luis ay panay ang alis niyong mag-asawa"

"May inasikaso lang ako saglit manang"

Path of a Lost FlowerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon