"I'll fetch you later girls, wag pasaway sa mommy ha? Please note na may dragon kayong kasama rito" wika ni Daddy pagkababa namin ng sasakyan, tumango naman kaming tatlo nila mommy at naglakad na papasok ss school
First day of school ngayon kaya halos lahat ng nga estudyanteng nakakasalubong namin ay excited.
"Vianne makakasabay ka ba mamaya sa amin ni Zia na maglunch?" Tanong ni Mommy, napansin ko naman ang tingin sa akin ni Zia kaya umiwas ako ng tingin.
"Hindi ko pa po alam mommy, I'll message you nalang po mamaya"
"Okay okay, pero sabay tayong uuwi ha? Narinig mo naman yung sinabi ng daddy mo" wika pa ni mommy. Tumango naman ako.
"Goodluck to your first day Babe, see you later okay?" Wika ni mommy at humalik sa akin. Lumapit naman ako kay Zia at saglit siyang bineso bago ko tahakin ang daan patungo sa Senior High Building.
Sa may pinakalikod ang building namin, malawak ang school na ito kaya malayo layo pa ang lalakarin ko.
"Lily!" Rinig kong boses habang naglalakad ako, lumingon ako at nakita ko si Jenny na naglalakad kasama si Ma'am Yen, agad akong lumapit sakanila para bumati.
Nagbatian lang kami nila Ma'am Yen at agad na rij itong nagpaalam patungo sa room niya, at kami naman ni Jenny ay sabay naglakad patungong SH building.
"Mukhang excited much ka ha" biro ko
"Yeah but a bit sad, di ko na kayo kaklase ni Dave"
"Dibale kasama mo naman si Rico--"
"Bakit kasi nagSTEM ka pa" reklamo niya
"Eh kasi---"
Di ko na natuloy ang sasabihin ko dahil biglang may umakbay sa amin ni Jenny, lumingon kami at si Rico yun. Sa likod naman niya ay si Dave na natatawa habang naiiling sa inaakto ng kaibigan.
"Ang aga niyo naman, excited kayo" wika nito
"Sus parang ikaw hindi" sagot ko
"Good Morning girls" pormal na bati ni Dave. Natawa naman kami.
Kahit aapat lang kaming magkakasama ay Kumpleto kami, may seryoso which is si Dave, may Maloko si Rico, si Jenny na Mareklamo at palaging napipikon ni Rico, at ako na chill lang go with the flow sa mga trip nila.
Nagpatuloy kami sa paglalakad hanggang sa marating namin ang quadrangle. Mangilan ngilan palang ang mga estudyanteng nandito dahil maaga pa kaya naman tumambay muna kami sa may mga bench.
"Ma'am Jho daw adviser namin, kayo?" Wika ni Jenny
Lumingon ako kay Dave dahil hindi ko alam kung sino, "It's Ma'am Tine"
"Mabait?" Agad na tanong ko
"I don't know, mabait naman siguro pero nakataas kasi yung kilay niya" wika ni Dave kaya natawa kami.
"Kinakabahan tuloy ako, tulungan mo ako sa mga subjects dave pag di ko maintindihan ha" wika ko, tumango lang naman ito
"Hoy Rico mag-aral ka ring mabuti tandaan mo wala na si Dave na mapagtatanungan natin" wika naman ni Jenny
"Oo yan, para ka namang walang bilib sa akin eh"
------
"Bakit kasi ang layo layo ng building natin eh" reklamo ni jenny habang naglalakad kami papunta sa Junior high para dun bumili ng Meryenda.
Recess na namin at napagpasyahan namin na sa harap nalang magrecess dahil punuan ang mga canteen namin.
"Kanina ka pa nagrereklamo" wika naman ni Rico, natawa nalang kaming dalawa ni Dave.
BINABASA MO ANG
Path of a Lost Flower
FanfictionSi Lily ang batang pilit na hinahanap ang tamang daan patungong tamang landas upang matagpuan ang magandang kinabukasan. Ano nga ba ang tatahaking Landas ng nawawalang bulaklak? Tutubo ba ito sa gitna ng unos na puro damo ang nasa paligid?