Ms. Irene:
Good Morning my love, I'm on my way to CCP. Are you awake na? See you later and good luck. Mommy is so proud of u anak, love you!
"Lily kanina ka pa ngiting ngiti habang nakatingin sa phone mo. Sino yang katext mo? Ikaw ha" nabalik ako sa realidad nang marinig ang malakas na boses ni Jenny.
Ala-sais palang ng umaga pero nasa sasakyan na kami at nagbbiyahe patungong CCP dahil ngayon na ang play.
"Ha? Wala may nabasa lang ako, ikaw talaga jenny kahit kailan napakamarites mo" wika ko, tinatawanan lang naman kami ni Dave, Rico pati na rin ng Driver nila Dave na naging close na rin namin.
"Sus kanina ka pa kasi nakatulala sa phone na parang masaya kang may natanggap na message" nagkibit balikat nalang ako at tumawa.
Masama bang kiligin ng unti habang binabasa yung message ng nanay ko?
Makalipas ang kalahating oras ay nakarating na rin kami, agad na kaming pumasok sa loob at nakita namin ang ilang staff at si Ma'am Maria na abala na sa kung ano-anong bagay.
"Good Morning Ma'am Maria" bati namin pagkalapit namin rito.
"Good Morning guys, nagbreakfast na kayo? Kumain muna kayo, let's wait for the others bago magisang pasada and then ready na for later's performance" wika niya tumango naman kami.
Pumunta kami sa may pinakagilid, mabuti nalang at may table kaya naman dun namin nilapag ang pagkaing binili namin sa drive thru at nagumpisa nang kumain.
Habang kumakain ay nakita namin na naglalakad si Ms. Irene papasok, kakarating lang nito at marami itong bitbit.
"Ganda talaga ni Ms. Irene" wika ni Rico habang nakatingin kay Ms.
"Alam mo Lily parang same kayo ng Mata ni Ms. Irene, may unti kayong hawig"
"Hoy Rico pansin mo rin? Matagal ko ng napansin yan" wika ni Jenny
"Tumigil nga kayo nako" wika ko sabay iwas.
"They are right lily medyo hawig kayo lalo na pag magkalapit kayo" gatong naman ni Dave.
"Naku kung di ko lang kayo kilala aakalain ko na mag-ina kayo na palaging nag-aaway" wika ni jenny
"Hay naku tigilan niyo na iyan, kumain na lang kayo gutom lang yan" wika ko naman at nagpatuloy na sa pagkain.
"Good Morning guys" rinig naming boses ni Ms.
Napalingon kami at nasa likuran ko na pala ito.
"Good Morning Ms" bati nila kaya nakibati na rin ako.
"Mukhang maganda ang gising natin Ms. Ah" wika ni Rico.
"Oo naman, excited ako for later"
"Kain po tayo"
"Thanks Dave but kakatapos ko rin eh"
"You received my message?" Mahinang tanong sa akin ni Ms. Nagulat naman ako dahil halos pabulong na ito, tumingin ako sakanya at tumango.
"Di ka nagreply"
"Sorry po nakatulog po ako sa biyahe eh" palusot ko. Tumango naman ito at mukhang nakumbinse.
"Tutulong muna ako kay Ma'am Maria, may mga food akong dala lapit kayo sa akin later kung gutom kayo ha"
--------
"Yes po Steph, nagmessage si Ma'am Roda kanina at papunta na raw po sila rito" wika ko habang kausap si Ma'am Perez sa Telepono.
Mas excited pa ata siya para sa play mamaya eh, panay ang message sa akin at tanong kung nasaan na sila ma'am yen
BINABASA MO ANG
Path of a Lost Flower
FanfictionSi Lily ang batang pilit na hinahanap ang tamang daan patungong tamang landas upang matagpuan ang magandang kinabukasan. Ano nga ba ang tatahaking Landas ng nawawalang bulaklak? Tutubo ba ito sa gitna ng unos na puro damo ang nasa paligid?