-IMEE-
"Oh Manang napadalaw ka? Mukhang di ka busy ngayon sa mga project mo ah" wika ni Irene pagkarating ko sa bahay nila.
"Akala ko ba babawi ka sa bata Irene? Bakit hindi ka na bumalik ng Hospital?" Nawala ang ngiti sa labi nito. Sabay kaming umupo sa sofa.
"Manang parang ayaw naman akong makita ni Lily dun eh, atsaka isa pa andun naman na ang Ma'am Steph niya" sagot nito.
"Irene kahit hindi sabihin nung bata alam kong hinahanap niya presensya mo dun, ganyan ba ang babawi? Hindi nagpapakita?"
"Eh sino ba ang bantay niya ngayon sa hospital? Kung sila Steph din lang huwag na, parang di naman ako nageexist sakanila pag andun ako"
Parang bata na wika pa nito habang nakatingin lang sa sahig..
"Wala siyang magiging bantay mamaya dahil may aasikasuhin daw si Steph, Si Helen naman ay may pupuntahan"
"Okay Fine, wait for me here magbibihis lang ako"
-------
"Tita Imee, Ms! Magandang Umaga po" bati ni Lily sa amin pagkapasok namin ng kwarto nito
"Maayos ka na ba? Kamusta ka?" Tanong ko
"Maayos na po, pwede na po akong lumabas bukas" sagot niya kaya napangiti ako. Tinignan ko si Irene at nakatingin lang ito kay Lily habang nakangiti.
"Very good, Mabuti naman kung ganoon anak"
"May dala kaming food for you" Wika ni Irene napangiti naman ang bata.
"Salamat po Ms"
"Helen diba may pupuntahan ka? Sumabay ka na sakin, Lily Irene maiwan muna namin kayo ha? Babalik kami mamaya" wika ko at agad na hinila si Helen palabas ng kwarto.
"Helen pwede ka na bang makausap tungkol kay Lily?" Wika ko kay Helen nang huminto kami sa may hallway. Wala talagang pupuntahan si Helen pero nais ko na siyang makausap tungkol kay Lily
Napansin ko rito na sa ilang araw na nagkikita kami dito ay umiiwas siya palagi. Hindi ko alam kung bakit
"Ma'am pwede po bang kalimutan niyo nalang yung sinabi ko?" Wika niya kaya napakunot yung noo ko.
"Kalimutan? Helen naman, sa tingin mo ba basta nalang namin makakalimutan yun?"
"Ma'am kasi ano, h-hindi yun totoo. Tama walang katotohanan yun" wika niya.
"Helen hindi ako naniniwala, sabihin mo na yung totoo please lang"
"Ma'am hindi ho talaga"
"Okay fine but samahan mo muna ako kay Doc Castro" wika ko.
"Bakit ho?"
"Basta tara" wika ko at hinila siya.
Pagkarating namin sa office ni Doc Castro ay nakita na agad namin si BongBong at Liza.
Bumeso ako sakanila bago bumati kay Doc.
"Ano hong ginagawa natin rito?" Bulong ni Helen.
"We conduct a DNA test helen. Im sorry to say pero kailangan naming malaman ang katotohanan. Let's have a deal, kung totoo man na di namin pamangkin si Lily ay mananatiling secreto ang lahat. Pero kung napatunayan na si Lily ay Vianne ikikwento mo sa amin kung paano siya napunta sainyo" wika ko. Nag-aalanganin itong tumango.
"So this is the result po" wika ni Doc Castro at inabot kay bonget ang envelope.
Ramdam ko ang kaba sa bawat isa sa amin habang hinihintay na mabuksan ang envelope. Dahan dahan itong binuksan ni Bonget, at napuno ng katahimikan ang buong kwarto nang makita ang resulta.
BINABASA MO ANG
Path of a Lost Flower
FanfictionSi Lily ang batang pilit na hinahanap ang tamang daan patungong tamang landas upang matagpuan ang magandang kinabukasan. Ano nga ba ang tatahaking Landas ng nawawalang bulaklak? Tutubo ba ito sa gitna ng unos na puro damo ang nasa paligid?