Ika-Dalawampu't limang Kabanata

764 34 17
                                    

"Yes Mom don't worry we will go. Manang already talked to me about that"

"Okay okay, you too Mom. I gotta go now okay? I 'm currently checking my lesson plans pa eh, You take care of yourself always, See you on saturday"

"Okay Mommy, I love you too so much"

Ibinaba ni Ms ang kanya phone at nagpatuloy na ito sakanyang ginagawa.

"May dumi ba sa mukha ko?" Nagtataka niyang tanong sabay tingin sakin. Natawa naman ako nang marealized na nakatulala lang pala ako sakanya.

"Wala po Ms hihi" umiling ito at tumingin ulit sa Laptop para magtrabaho.

"Ms?"

"Hmm?"

"What was it like to have a mother while growing up?" Mahinang tanong ko, agad siyang napatingin sa akin pagkarinig sa sinabi sa akin.

Hindi ito agad nakasagot at tumingin lang sa akin.

"Ahm Its fun? Syempre" nag aalanganin niyang sagot, nabigla ata sa tinanong ko.

"Well Mama Meldy became our number one bestfriend. Bukod kay Dad, Manang at kay bonget siya yung isa sa naging sandalan ko tuwing hindi ko alam ang gagawin. Mothers are the ones who will stay at your side through ups and downs. Talikuran ka man ng mundo, malihis ka man ng landas andiyan sila para gabayan ka at itama ang direction na lalakbayin mo" sagot niya. Kitang kita ko sa mata ni Ms ang ningning.

Ang saya nga siguro magkaroon ng ina na gumagabay sayo habang lumalaki ka.

Nginitian ko si Ms at tumango, "ang swerte niyo po Ms"

"Indeed. We are lucky to have mom in our life. Kung may blessings man ako na paulit ulit kong ipagpapasalamat iyon ay ang pamilya ko"

"Why did you ask ba?"

"Wala po hehe, napansin ko lang po kasi na kahit may mga sarili na kayong pamilya eh sobrang lapit niyo parin po sa mommy niyo" wika ko

"Ay hindi pwedeng hindi noh kundi babangon si dad at hihilahin paa namin pag nalaman niyang lonely lagi ang Mama Meldy mo" natatawang wika nito.

"Nakakainggit po yung closeness niyo as a family. Ang higpit higpit po, at halatang wala ni sinuman ang makakasira"

"Iyon kasi ang turo ng daddy ko, kaya nung nawala siya talagang pinanindigan namin na strong kami as a family kahit nakakapanghina ang mga nangyari" napangiti naman ako sa sagot niya.

"You know what Ms? I wish I have a Father like your dad and a mother like mama Meldy. Minsan naiisip ko rin po what if may magulang akong kasama ngayon? Siguro kahit papaano gagaan palagi pakiramdam ko kahit may pinagdaraanan akong pagsubok" mahinang wika ko. Yumuko ako nangilid yung mga luha ko sa mata.

"Ang saya saya po siguro noh? Yung may tatawagin kang Mommy at daddy, yung may sasalubong sayo pagkauwi mo ng bahay galing eskwelahan. Iyong magluluto ng paborito mong ulan at Iyong may kasama kang kakain sa hapag-kainan. Iyon yung mga pinapangarap ko na alam kong hindi na matutupad" pasimple kong pinunasan ang luha ko sa mata. Natahimik lang si Ms at parang naaawang tumingin sa akin.

Bago pa man makapagsalita si Ms ay may narinig na kaming boses sa may pintuan.

"Lily! Andito ka lang pala, jusko girl kanina pa kita hinahanap. Tara samahan mo ako sa canteen, Ms hiramin ko po muna si Lily ha?" Maingay na wika ni Jenny pagkapasok ng room namin. Agad niya akong hinila palabas kaya naman kumaway nalang ako kay Ms.

--------

-IRENE-

"Ms okay ka lang po? Kanina pa po ako nagsasalita rito parang di naman po kayo nakikinig eh" napabalik ako sa sarili ko nang marinig ang boses ni patricia, kanina pa pala ako nakatulala.

Path of a Lost FlowerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon