-IRENE-
"Lily anak? Lily wake up na we're already here"
unti unti itong gumalaw pero di pa nagising, humarap lang ito sa akin at inextend ang kamay niya para mayakap ako.
Parang may humaplos sa puso ko kaya naman automatic akong napangiti.
"Lily? Wake up na sweetie" mahinahon na paggising ko sakanya habang inaayos ang buhok nito.
Maya-maya pa ay nagising na ito, natawa pa ako dahil parang bigla itong nahiya nang marealized ang ayos naming dalawa.
Bumaba na kami sa eroplanong sinakyan namin, mas pinili ko nalang na mageroplano kami para mabilis ang biyahe. Nakakatuwa rin na maraming turista ang kasabayan namin sa flight at talagang dinadayo nila ang lugar namin para sa pagdiriwang ng kaarawan ni daddy.
Malayo palang ay nakita ko na ang mga pamangkin ko na naghihintay, kumaway ito saamin nang makita nila kaming dalawa ni Lily.
Pagkalapit namin sakanila ay binati nila kami, yumakap at bumeso sa akin ang boys at kumaway naman kay Lily.
"We're glad na nakasama ka lily" wika ni Borgy
"As usual nahila lang nanaman po ulit" sagot nito
"Welcome to our Province Lily, For sure mageenjoy ka rito" wika naman ni Sandro.
"Tita Irene where's tito greg?"
"May work pa Vin, tomorrow evening pa ang dating niya rito" tumango naman sila.
Ilang sandali pa ay napagpasyahan na naming sumakay ng Van para makauwi na sa bahay. Inaya ko silang magbreakfast muna pero nagluluto na raw si Manang sa bahay kaya dun nalang.
Ilocano Moments tipid tipid jk
"You okay there sweetie?" Tanong ko kay Lily na nakatingin lang sa bintana ng Van.
Agad itong tumango sa akin at ngumiti.
"Ang ganda naman po talaga dito Ms" komento niya.
"Naku marami pang place dito na talagang maaamaze ka" sagot ni Simon.
Ilang minuto pa ay nakarating na kami sa Bahay namin sa Ilocos.
"Hala Ms ang laki laki nanaman ng bahay niyo rito, ang lawak pa" wika nito na amaze na amaze. Kaya natawa ako
"Actually this is not my house, this is my parent's house. Yung bahay namin ni Greg sa may kabilang bayan pa, puntahan natin pag andito na ang tito greggy mo" wika ko.
Bumaba na kami ng sasakyan. Iniikot ni lily ang paningin niya sa paligid at tuwang tuwa ito, well kung ako rin siguro ay makapasok dito malulula rin ako sa ganda at lawak ng lugar na ito.
Nakita namin si Bong at Liza sa may Veranda umiinom ng Coffee at natatawanan.
"Ano ba yan kay aga aga naglalandian na kayo" wika ko kaya napatingin sila sa amin.
"Oh andito na pala kayo, Welcome back Irene. Welcome to Ilocos Lily, mabuti at naisama ka ng kapatid ko" wika ni Bonget at lumapit sa amin para yakapin kami. Ganun din naman ang ginawa ni Liza
"Welcome to Ilocos Norte Lily, Im sure matutuwa si Manang Imee and Mama Meldy to see you here"
"Salamat po sa pagwelcome Senator at Atty Liza" magalang ni wika nito.
"Ano ba yan ilang beses na tayong nagkita tas ganyan parin tawag mo samin? Its too formal, C'mon we're not on the senate and on the court hearing" biro ni bonget
"Edi Sir Ma'am nalang po? Mas sanay na po ako sa Senator and Atty eh"
"Ginawa mo naman kaming teacher eh"
BINABASA MO ANG
Path of a Lost Flower
FanfictionSi Lily ang batang pilit na hinahanap ang tamang daan patungong tamang landas upang matagpuan ang magandang kinabukasan. Ano nga ba ang tatahaking Landas ng nawawalang bulaklak? Tutubo ba ito sa gitna ng unos na puro damo ang nasa paligid?