"Are you really okay? Kaya mo ba talaga? Sabi naman nila Ms at Ma'am Maria you can take a rest first eh" wika ni Dave habang kumakain kami ng snacks sa may labas ng Civic Center.
Pagkarating ko kanina ay tinanong nila ako kung anong nangyari bakit may mga bandage ako sa kamay kaya kinwento ko iyon din naman kasi ang dahilan kung bakit ako nalate. Gusto pa ni Ms. Irene na ipacheck yung ulo ko baka raw malakas ang pagkakabagsak ko ngunit sabi ko ay okay na ako.
"Kaya ko Dave, gasgas lang ang mga ito"
"How about your head? Okay ba talaga?" Tanong niya ulit tumango naman ako sabay subo sa Fresh lumpia na binigay sa amin ni Ms. Irene.
"Ang weird kanina ni Ms. Irene" wika ko.
"Nag alala lang iyon ng sobra sayo kaya ganun ang naging reaction niya nang makita ka. Mahal na mahal ka talaga niya"
"Wag ka ng magisip ng kung ano ano diyan, pinag alala mo kasi ng sobra ayan tuloy"
"Siguro nga" sabay kibit balikat ko at nagpatuloy na sa pagkain.
Ilang sandali pa ay nakita namin si Ms. Irene na naglalakad palapit sa amin.
"Bakit nakahiwalay kayo? Ayaw niyo bang makijoin sa iba? Andun silang lahat sa loob at mukhang close na close na sila" wika nito sabay upo sa vacant seat.
"Okay na po kami rito ms" wika ni Dave.
"How's your feeling? May masakit ba?" Concern na tanong niya sa akin. Umiling ako at ngumiti.
Heto nanaman tayo Lilienne, diba galit ka dapat?
"Im fine po, don't worry" wika ko.
Nang magtime na ay tinawag na kami para magpatuloy ng pagpractice. Kinakabahan pa akong ideliver yung nasa script ko pero naitawid naman.
"I didn't know na ganyan ka kagaling kumanta" wika ni Ms. Nginitian ko lang naman ito at naglakad na paalis
"Galing mo ah" bulong ni Dave. Siniko ko ito.
"Ouch, sadista ka talaga"
"Che! As if I know nang-aasar ka lang"
"Hindi kaya, magaling ka talaga I swear. Nagsihinto nga ang lahat ng marinig ka eh"
"Totoo? Nakapikit ako the whole time na kumakanta ako, Im too shy to look at the audience"
"Hoy kailangan mo yun, paano nalang sa araw ng play pipikit ka?" Natawa naman ako.
Ilang oras pa kaming nagpractice at nang mag alas kwatro na ay dinismiss naman na kami.
"Dave, Lily sumabay na kayo sa akin" wika ni Ms. Sumenyas ako kay Dave na humindi pero pumayag agad ang gaga sarap hambalusin.
Naglakad na kaming tatlo papuntang parking, bigla namang napahinto si Dave.
"Hala Ms, I forgot may sundo pala ako. Ikaw nalang lily ang sumabay kay Ms. You message me paguwi mo ha? Ingat po sa pagdrive Ms. Bye po" wika niya sabay takbo paalis kaya hindi na ako nakaapila.
Naiwan kaming dalawa ni Ms at sumakay sa sasakyan niya. Tahimik lang kaming dalawa at walang nagsasalita.
"You wanna eat first? Drive Thru tayo" wika niya, nagkibit balikat ako at di na sumagot.
Di na rin naman nagsalita pa si Ms at idinaan nalang sa drive thru ang sasakyan at nagorder siya.
"Ms sundae" pahabol na wika ko ng sabihin niya lahat ang order niya at wala akong narinig na sundae.
"Hindi sana pwede sayo eh, pero sige ngayon lang ah" wika niya kaya napangiti ako.
Idinagdag niya ang order na sundae at nagmove forward na kami para magbayad at hinintay nalang ang order namin.
BINABASA MO ANG
Path of a Lost Flower
FanfictionSi Lily ang batang pilit na hinahanap ang tamang daan patungong tamang landas upang matagpuan ang magandang kinabukasan. Ano nga ba ang tatahaking Landas ng nawawalang bulaklak? Tutubo ba ito sa gitna ng unos na puro damo ang nasa paligid?