"Ako na 'ho Ma'am"
"Ay wag na kuya, kayang kaya ko na po ito" wika ko sa kasamang guard ni Tita Imee habang hinihintay ako sa labasan ng street namin.
"Hindi na po, kami na po diyan at mukhang mabigat" wika nila kaya wala naman na akong nagawa kundi ibigay sakanila ang mga bitbit kong bag na naglalaman ng mga pagkain na ibibigay sa orphanage.
"Salamat po kuya, kung ganun po mauna na po ako kay Tita Imee" wika ko. Tinanguan naman nila ako kaya dumiretso na ako sa sasakyan kung nasaan si Tita.
Nadatnan ko itong nakaidlip, kaya naman tinabihan ko lang muna ito at pilit na di gumawa ng ingay para di magising.
Ilang minuto ang nakalipas ay natapos na maglagay sa car trunk sila kuyang guard.
"Ma'am ---"
"Kuya Lily nalang po hihi" natawa ang guard.
"Osigee hahaha Lily tulog si Ma'am?"
"Ah opo eh, kanina pa pagdating ko"
Bigla namang naalimpungatan si Tita At nagising.
"What is it? Oh lily you're here na. Sorry dear nakaidlip ako eh"
"Its fine tita, naku pagod pa ata kayo eh? I told you naman po na magpahinga muna eh"
"Hindi naman and isa pa gusto ko ring mapuntahan yung orphanage na tinutulungan mo noh. Gusto ko ring tumulong" wika nito kaya napatango nalang ako.
"Ma'am tapos na po naming ilagay sa car trunk lahat ng dala ni Lily, sigurado po ba kayong di na kami susunod sainyo?"
"Yup, don't worry ittext ko kayo pag nagkaproblema but for now you can have your free day" wika niya.
"Sige po Ma'am Salamat po. Mag-iingat po kayo" wika nila at nagpaalam na bago umalis.
"Manong Bert tara na po" wika ni Tita sa Driver kaya naman inistart na ang sasakyan.
Tinuro ko naman kay Manong Bert kung saan ang pupuntahan namin, mabuti ay kahit papaano alam niya kung saan banda.
"Tita tulog ka pa po mukhang puyat na puyat ka oh"
"Yeah I don't have enough sleep, pinanood ko kasi yung project naming film at chinecheck kung may mali or whatever"
"Sipag naman ng producer namin. No wonder lahat po ng project niyo perfect pag nilalabas, talagang dinudumog" wika ko napangiti naman siya, medyo kinilig ata.
"Bolera, iidlip ko lang ha? May pagkain pala diyan, gumawa si borgy ng sandwich at sabi niya bigyan kita"
"Sweet naman ni kuya Borgy" tumango lang ito at sa sobrang antok ay bumalik sa pagkakatulog
--------
"Hoy bata ka bakit may pa engrandeng welcome ata satin?" Wika ni Tita Imee pagkapasok ng sinasakyan namin sa orphanage.
May mga lobo kaming nakita sa may maliit na hall at tarpaulin na may mukha ko at mukha ni Tita Imee.
"Tita nabanggit ko po kasi na kasama kita, hindi ko naman po alam na ganito gagawin nila sister" natatawang wika ko, umiling nalang ito at nakitawa na rin.
Pagkababa namin ng sasakyan ay sinalubong kami ni Sister Zam, Sister Mary Ann at ang mga bata. May dala pa silang dalawang bouquet at iniabot sa amin.
"Sister naman nag-abala pa po kayo" wika ko pagkatapos silang yakapin.
"Syempre naman noh, si Ma'am Imee ata kasama mo" wika nila.
"Tita Imee sila Sister Zam at Sister Mary Ann nga po pala" pagpapakilala ko sakanila
BINABASA MO ANG
Path of a Lost Flower
FanficSi Lily ang batang pilit na hinahanap ang tamang daan patungong tamang landas upang matagpuan ang magandang kinabukasan. Ano nga ba ang tatahaking Landas ng nawawalang bulaklak? Tutubo ba ito sa gitna ng unos na puro damo ang nasa paligid?