"What time ang punta mo ng school? Napakaaga mong gumising, wala pa 'hong klase enrollment palang" natatawang wika ni Ma'am Perez habang kavideo call ko siya.
Ala singko palang ng umaga nang magising ako, routine ko na na pagkagising ay tatawagan siya pag nakaonline siya para may kausap naman ako habang nagpprepare ng umagahan.
"Mga 8 po or 9? Ma'am naman kasi ang bagal kong kumilos kaya dapat maagang gumising"
"Ang sabihin mo natatakot kang maging late dahil kukunin mo pa Card mo kay Ms Irene mo" wika niya na nang-aasar, nakitawa na rin ako kunwari.
Naikwento ko pala sakanya na di kami okay ni Ms pero di ko na dinetail yung nangyari at maHB nanaman ito.
"Excited lang po akong magkaroon ng new adviser hehe. Nakakasawa rin po kasi siya as adviser" joke ko
"Lily ha, wag ganyan. Parang last month lang ang saya saya mo kasama siya eh. Hindi ko alam kung anong nangyari sainyo pero di yan magandang asal, adviser mo parin yun kaya dapat di mawawala ang respeto okay?" Pangaral niya sakin kaya tumango ako at ngumiti.
Ito ang gusto ko kay Ma'am Perez, di siya bias. She knows how to handle a situation like this kahit na mas close kami ayaw niyang naririnig na may nasasabi akong masama tungkol sa ibang tao.
"Opo, nagjjoke lang eh" wika ko at kunwaring nagtatampo.
"Its not a good joke lily"
"Ma'am okay na po, pagtatalunan pa po ba natin ito? Masisira lang po ang araw natin lalo na kung tungkol sakanya pa kung bakit tayo magtatalo"
"Hindi ko lang gusto yung way ng pagsalita mo tungkol sakanya, Adviser mo parin iyon Lily. Manners hija" kung kanina ay nagkukunwaring tampo ako ngayon ay nagsisimula na akong mainis, nagjjoke lang naman eh.
"Opo alam ko naman po yun, sorry" wika ko nalang para di na humaba ang usapan. Di na ako umimik after nun, rinig na rinig ko naman ang singhap ni Ma'am.
"Ma'am I'll go ahead na po muna, bibili nalang po ako ng food Kay Aling Nena"
"Teka Lily sorry na, alam ko nagtatampo ka"
"Wala po yun, alam ko naman po na mali ko yun. Sorry po ulit. Sige po bye na po mamaya nalang po ulit" wika ko sabay end call.
Habang tumatagal na di kami okay ni Ms. Irene ay nawawalan na ako ng pag-asa na babalik kami sa dati. Nag-iiba na rin ang tingin ko sakanya dahil sa pagiging biased niya, hindi man lang siya marunong na alamin lahat ng nangyari bago siya kumakampi.
Sabagay, anak niya yun eh. Alangan naman ako ang kampihan niya.
-------
"Magandang Umaga Ma'am Yen, Ma'am Roda" bati ko sa dalawa na nag-aalmusal sa room
Alas otso palang ng umaga ay nasa school na ako pero napagpasyahan ko na mamayang 9 ako pupunta kay Ms. Para kunin ang mga requirements na need for Enrollment
"Oh lily good Morning, halika kain tayo" aya nila
"Sige lang po nagbreakfast po ako bago pumunta rito" wika ko at umupo sa office chair ni Ma'am Yen.
"May box diyan na pink kunin mo at sayo yun"
"Sino po ang nagbigay?"
"Ang Ma'am Perez mo, nagtatampo ka raw sakanya kaya ayan umagang umaga nautusan akong bumili niyan" wika niya sabay tawa.
Kinuha ko yung box at binuksan yun, agad akong natuwa nang makita ang mga paborito kong sweets na nakalagay.
"Si Ma'am Step naman po kasi nagjjoke lang ako kanina about Ms. Irene sineryoso" wika ko
BINABASA MO ANG
Path of a Lost Flower
FanficSi Lily ang batang pilit na hinahanap ang tamang daan patungong tamang landas upang matagpuan ang magandang kinabukasan. Ano nga ba ang tatahaking Landas ng nawawalang bulaklak? Tutubo ba ito sa gitna ng unos na puro damo ang nasa paligid?