-HELEN-
"Tiya andito na po ako. Hihintayin ko po kayo rito, mag-iingat po kayo sa biyahe"
"Tiya Helen malayo pa po ba kayo?"
"Parang may nakaaligid po sa aking lalaki tiya, kanina ko pa po ito napapansin na pinagmamasdan ako. Hindi ko 'ho alam kung ako ba ang pakay niya o kung ano"
"Hindi parin po siya umaalis sa pwesto niya at nakabantay lang, kinakabahan na po ako"
"Tiya Helen umalis na po yung lalaki, siguro 'ho maglalakad lakad muna ako para mailigaw yung lalaki kung sakali, tawagan niyo 'ho ako pag nakarating na kayo rito"
Basa ko sa message pagkagising ko, nakatulog ako sa bus kaya naman hindi ko nasagot ang mga text ni Lily. Pati tuloy ako kinakabahan kaya dali-dali akong bumaba ng bus pagkarating ko at nagtungo agad sa cafe na tinutukoy niya.
Tinatawagan ko si Lily pero hindi ito sumasagot, mas lalong domoble ang kaba ko.
"Hello Sir pwede pong magtanong? May napansin po ba kayong batang babae rito kanina?" Tanong ko sa staff nung cafe.
"Maputi po ba? Mag-isa po ba siya? Meron po kanina pero po sumakay po ng Van kasama yung mga lalaki"
"Ho? Anong mga lalaki?"
"Parang may hinihintay po kasi siya rito kanina nung nagorder siya ng iced coffee, tapos makalipas ang ilang minuto umalis na ito at nakita ko nalang may kasamang lalaki at sinakay ng van, iyon po siguro yung hinihintay niya" wika nito
"Sige Ma'am baka po mapagalitan na ako" pagpapaalam niya sa akin.
Hindi na ako nakasagot dahil sa gulat at dami ng pumapasok sa isip ko na pangyayari.
Hindi kaya ang mga tagabantay niya ang kasama niyang sumakay sa Van?
Agad kong tinawagan ulit ang telepono ni Lily pero hindi ito sumasagot.
Sunod kong tinawagan iyong bodyguard na ipinadala sa akin para bantayan ako. Agad naman itong lumapit sa akin.
"Ma'am okay lang po ba kayo? Ano pong nangyayari?" Tanong niya
"K-kilala mo ba yung mga taga bantay ni Lily?" Kinakabahan na tanong ko.
"Wala na 'hong nagbabantay kay Lily Ma'am, pinatanggal niya po ito pero pinanatili kay Sir ang bantay niyo"
"Ano? Bakit pumayag? Ibig sabihin walang nagbabantay kay Lily?" Nagpapanic na tanong ko.
"Teka Ma'am, ano po bang nangyayari?"
Ipinabasa ko sakanya ang mga message ni Lily at kinwento ang sinabi ng staff ng cafe sa akin. Kusang tumulo na ang mga luha ko dahil sa pag-aalala sa bata.
"Tatawagan ko 'ho si Sir Bong, kumalma po muna kayo Ma'am"
-------
-BONG-
"Bonget ano ba? Magpasunod ka sa mic sinosolo mo nanaman yung videoke" reklamo ni Manang habang kumakanta ako.
"Tanghalinh tapat bonget naghahasik ka ng sama ng panahon" wika niya pa kaya tawang tawa ang mga kasama namin.
"As if naman na kumakanta ka manang eh tamang sabay ka lang lagi sa kanta tapos iba iba pa lyrics mo" natatawa kong wika kaya agad niya akong binatukan.
"Mommy oh" sumbong ko, si Irene naman ay inagaw sa akin ang mic at siya ang nagpatuloy sa kanta ko.
Biglang nagring ang phone ko kaya naman nagpaalam muna ako sakanila para sagutin ang tawag. Lumayo ako at pumunta sa garden para hindi maingay.
BINABASA MO ANG
Path of a Lost Flower
FanfictionSi Lily ang batang pilit na hinahanap ang tamang daan patungong tamang landas upang matagpuan ang magandang kinabukasan. Ano nga ba ang tatahaking Landas ng nawawalang bulaklak? Tutubo ba ito sa gitna ng unos na puro damo ang nasa paligid?