"Lily saan ka magl-lunch? Hindi kita masasamahan ngayon at nag-aya si Coach libre niya daw eh" wika ni Jenny.
"Okay sure, Diretso nalang ako sa canteen mamaya para kumain kung magutom ako" wika ko.
"Kumain ka, isusumbong kita kay Ma'am Perez eh"
"Oo na, dalian mo na at baka maiwan ka. Sayang ang libre" wika ko kaya nagpaalam na agad ito sa akin.
Ilan nalang kaming natira sa room dahil ang iba ay dito kakain ang iba naman ay umalis na dahil lunch break.
Busy pa ako sa sinusulat na notes kaya naman hindi pa ako nakakaramdan ng gutom. Dibale at wala kaming first subject ngayon.
"Lily di ka kakain? Kain tayo" aya ng kaklase ko na nagsimula nang kumain. Tumango ako sakanya at ngumiti.
"Sige lang di pa rin naman ako gutom, mamaya ay pupunta rin ako sa canteen" wika ko.
Nagpatuloy ako sa pagsusulat at ilang sandali ay tinawag ako ni Ms kaya lumapit ako sa may desk niya
"Are you not going to eat your lunch?" Masungit na wika nito.
Nagsusungit nanaman po siya. Hay nako
"Later Ms, tatapusin ko lang po itong notes ko at kakain ako mamaya"
"Gusto mo bang sumama sa amin nila Ma'am Madonna maglunch?"
"Naku Ms huwag na po, may tinatapos din po kasi ako pero promise kakain ako" tumango naman ito at wala ng nagawa.
Bumalik ako sa upuan ko at nagpatuloy sa pagsusulat, ilang sandali ulit ay tumunog ang phone ko at nakita kong tumatawag si Ma'am Yen kaya agad ko itong sinagot.
"Hello po Ma'am?"
"Lily where are you?"
"Sa room po namin, bakit po?"
"Namiss ka lang namin, pwede bang sabay tayong maglunch? Or busy ka? May iba ka bang ginagawa 'nak?"
"Nagsusulat po ako ng Notes Ma'am pero sige po sasabay nalang po ako sainyo kumain total namiss ko rin po kayo"
"Naks naman. We'll wait you here huh?" Wika nito bago ibaba ang tawag.
Inayos ko na ang gamit ko at naglakad patungo sa room nila.
"Finally makakasama ka rin namin ulit" pabirong wika ni Ma'am Roda. Tumawa naman ako at yumakap sakanila bilang bati.
Antagal ko rin kasi silang di nakasama dahil halos busy at kung di naman busy ay si Ms Irene lagi ang kasama ko.
"Sorry na kaya nga po babawi eh"
"Oo na po, tara sa canteen andun yung mga order namin na food" wika nila kaya naman naglakad na kami patungong canteen.
"Andito pala ang Ms. Irene mo eh" wika ni Ma'am Yen sabay turo kay Ms na nasa loob ng canteen.
Andito sila? Akala ko ba sa office sila nagllunch?
Nagiba ang ngiti ni Ms nang makita niya kaming papalapit, napakagat labi naman ako dahil alam kong may kasalanan ako. Inaya niya ako at tumanggi ako tapos bigla niya akong makikitang kasama sila Ma'am Yen.
Bumati sila Ma'am sakanila at sa kasamahan nito. Inaya nila kami na makisalo na sakanila.
"Naku its fine sa kabilang table nalang kami at mukhang patapos na rin kayo"
"Sure kayo?" Tumango naman sila. Tumingin ako kay Ms at nakatingin ito sa akin. Hindi ko mabasa ang emosyon niya kahit sa mata kaya ngumiti nalang ako at kumaway bago sumunod kila Ma'am Yen sa kabilang lamesa.

BINABASA MO ANG
Path of a Lost Flower
FanfictionSi Lily ang batang pilit na hinahanap ang tamang daan patungong tamang landas upang matagpuan ang magandang kinabukasan. Ano nga ba ang tatahaking Landas ng nawawalang bulaklak? Tutubo ba ito sa gitna ng unos na puro damo ang nasa paligid?