Ika-tatlumpung Kabanata

642 38 6
                                    

"Kanina pa tumutunog phone mo, wala ka bang balak sagutin yang tumatawag?" Tanong ni Ma'am Roda.

Nasa may Mall kami ngayon dahil nag-aya si Ma'am Yen. Hindi naman ako makahindi dahil wala akong ipapalusot na gagawin dahil bakasyon na.

Huminga ako ng malalim bago damputin ang phone ko na kanina pa nagrring

Si Tita Imee ang tumatawag.

"Hello po Tita?" Wika ko pagkasagot nung tawag.

"Hello Lily, Did I disturb you hija?"

"Hindi naman po. Napatawag po kayo?"

"Oh yes hija. Irene and I will attend Bazaar the day after tomorrow and I thought baka you want to join us to see the orphan children's product. Diba may tinutulungan kang charity and orphanage?"

Napakunot ang noo ko, tinutulungang charity at orphanage? Sila Sister Zam lang naman ang kakilala kong taga Orphanage.

"Sounds nice po Tita but ano po eh pasensiya na po di po ako makakapunta marami po kasi akong inaasikaso ngayon" napapikit ako dahil sa pagsisinungaling ko

"Ah ganun ba? Sayang naman, dibale there's always a next time. Don't forget to eat your meals on time huh? Bawi to us next time lily we miss you na hija"

"Opo promise po, ingat po kayo"

Agad kong binaba ang tawag at napahinga ng malalim

"Marami daw inaasikaso? Eh kakasabi mo palang na naboboring ka na sa bahay mo eh" pang-aasar ni Ma'am Yen na tinawanan naman ni Ma'am Roda.

"Ayaw ko lang po ng gulo, Im sure magwawala nanaman si Zia pag sumama ako kila Tita Imee and Ms. Irene"

"Alam mo iyang si Zia mabait na bata naman. Handle ko siya sa isang subject ko and I can see that she's kinda kind. Hindi ko lang alam kung bakit mainit ang ulo nun sayo"

"Hindi ko nga rin po alam eh. Ayaw ko nalang pong isipin yan ang mahalaga hindi niya na ako ginugulo"

--------

"Here's your order girls" wika ni Tita Amelie at inabot sa amin ang order naming pagkain sa may Mcdo.

"Oh Jenny anak kalmahan mo at hindi ka mauubusan, pagkalaki-laki niyang fries na order mo oh napakatakaw talaga" pang-aasar niya sa anak niyang si Jenny.

Kahapon ay dumalaw ako sa bahay nila Jenny at sakto na inimbitahan nila ako sa lakad nila ngayon, wala rin naman akong ginagawa kaya pumayag na ako.

Nagstart na ulit magdrive si Tita Amelie, kagaya ni Jenny ay madaldal rin ito at masayang kausap kaya buong biyahe namin ay di kami naboring dahil panay ang kwento nito. Bagets rin na isa parang tita Imee lang.

"We're here, Ip-park ko lang saglit at sabay sabay na tayong bumaba" wika niya at naghanap ng space sa parking.

Sabay sabay na kaming lumabas ng sasakyan. Agad na kumislap ang mata ko nang makita ang mga store na kung saan may mga gamit na binebenta na gawa ng mga bata.

"Ang gaganda naman po" wika ko.

Halos magiisang oras na rin kaming Naglibot libot habang si Tita Amelie ay panay ang hinto dahil marami itong nakakasalubong na kakilala.

"lily look oh, This one is so nice" wika ni Jenny sabay pakita sa akin nung bag ma made of rattan

"Maganda nga, patingin ako" wika ko. Habang tinitignan namin yung bag ay may lumapit sa aming babae na halos kaedadan namin or mas bata sa amin. Napagalaman namin na ito pala ang may gawa ng mga bag kaya naman natuwa kami.

Path of a Lost FlowerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon