Ika-walumpu't walong Kabanata

1K 46 10
                                    

"Good Morning Love Birds! Super aga niyo naman po" pabirong bati ko kila Tito Bong and Tita Liza na nasa kusina nagtitimpla ng coffee

Lumapit ako sakanila at humalik sa pisngi nila

"Yeah, we were about to go with manang and the boys sa airport kaso marami na pala sila kaya di na kami sumama" sagot ni Tita Liza.

"Sino pong susunduin nila dun?"

"Si Kuya Rod Vianne"

"Really? Omg, mabuti naman at uuwi siya dito. Miss ko na rin yun" wika ko natawa naman ng mahina ang mag-asawa

"You want coffee also?" Tanong ni Tito Bong, umiling naman ako.

"Iniiwasan ko na po magcoffee tito" wika ko tumango naman sila.

Pagkatimpla ng kape nila ay nagtungo kami sa Lanai at dun tumambay.

"Tulog pa ang mommy at daddy mo?" Tita asked.

"Opo, mukhang napagod kaya tulog na tulog parin" wika ko, sabay na tunawa ang mag-asawa at agad kong nagets ang pagkakaintindi nila sa sinabi ko

"Hala kayo, susumbong ko kayo ha" biro ko

"We're not saying anything kaya" tumatawang wika ni Tita

"Btw, kasama po ba nila si Zia?" Tumango si Tito.

"Yup, nagulat nga kami at siya pa ang pinakamaagang nagising sa lahat. Eh dati rati pahirapan sa paggising sa batang iyon"

"Madaya, di nila ako sinama" wika ko

"We told them not to wake you up dahil alam namin na pagod ka sa biyahe kahapon" wika ni Tito kaya tumango ako.

Nagkwentuhan lang kami sa Lanai, tinanong nila ako sa naging buhay ko nung nagpunta ako ng Pangasinan at sa kung ano-ano pa.

Mag aalasyete na ng umaga nang marinig namin ang boses ni mommy at Daddy sa loob ng bahay.

"Gising na ang other Love Birds" wika ni Tita.

Ilang sandali pa ay nakita namin sila na patungo sa amin. Medyo nagulat pa sila nang makita kami na narito na.

"Oh kanina pa kayo rito? Ang aaga niyo naman" wika ni mommy.

"Greet us first good Morning Irene, daldal mo nanaman" wika ni Tito kaya inirapan siya ni Mommy bago kami binati.

"Bat ang aga niyo? Morning anak" bati naman ni Daddy sa akin.

"Sasama sana kami kila Manang kaso andami na nila kaya nagpaiwan na kami"

"Sumama si Zia?" Tanong ni Mommy tumango naman kami.

Umupo sa other sofa sila Mommy at sumalo sa pagkikwentuhan.

Tinignan ko sila Mom at Dad at napangiti ako nang mapansin na light na ang mood ni Mommy, halata sa mukha nito na masayang masaya siya.

Tama nga sila, walang problema ang hindi nalalagpasan.

"We'll stay here until tomorrow, kayo ba Irene?" Tanong ni Tito.

"Kailan uuwi ng Manila sila Manang?"

"Bukas din, sasabay kami sakanila"

"Edi sasabay na rin kami, Mom will go with us naman diba?"

"Yup magistay daw siya sa bahay namin and she'll visit San Juan the next few days"

Sa mga sumunod na oras ay nagplano lang sila kung ano ang mga gagawin ngayong araw dahil nga bukas ng hapon ay sabay sabay ng uuwi ang lahat.

Path of a Lost FlowerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon