"Oh lily bakit ngayon ka lang? Ginabi ka ngayon ah" wika ni Aling Nena habang naglalakad ako pauwi.
"Ah opo Aling Nena andami po kasing activity na tinapos eh, ayaw ko naman po na iuwi pa sa bahay ang mga gawain" sagot ko tumango naman ito.
Halos tatlong linggo na ang nakalipas simula magumpisa ulit ang pasukan. Hindi na ako nilalapitan ni Zia at iniiwasan ko na rin naman sila. Lumayo na ako sa pamilya nila kahit pa palagi akong cinocontact ni Tita Imee at ni Tito Bong.
"Nga pala nabanggit ni Aling Auring kanina na may naghahanap daw sayo, hindi ko lang sigurado kung andiyan parin na naghihintay o kung umuwi na" wika nito kaya napakunot ang noo ko.
Sino naman ang maghahanap sa akin?
"Sige po mauna na po ako at nang makita ko po" paalam ko at naglakad na pauwi.
Wala namang tao sa harapan ng bahay kaya dumiretso na ako papasok. Agad kong binaba ang mga gamit ko sa may lamesa at ibinagsak ang katawan sa may mahabang sofa sa sala.
"Lily?" Mahinang wika na rinig ko kaya agad kong minulat ang mata ko at nakita sila Nanay Auring, kasama si Tita Imee and Tita Liza sa may pintuan. Napaayos naman ako ng upo at agad ding tumayo sa gulat.
"Nay, T-tita Imee, tita liza" bati ko na gulat parin.
"Lily pasensya ka na pumasok na kami, kanina pa sila rito naghihintay kaya inaya ko muna sila sa bahay kumain ng kakanin sakto naman pala na kararating mo" wika ni Nanay Auring. Tumango naman ako at nagpaalam na siya.
Pinapasok ko sila Tita sa bahay at inayos ang mga nakakalat
"Hala pasensya na po wala pa po akong maipapakain sainyo kakauwi ko lang po kasi, pero may biscuit po dito" alok ko sakanila.
"Hindi mo man lang ba kami babatiin?" Tanong ni Tita Imee na ikinatawa ni Tita Liza. lumapit ako sakanila at bumati, niyakap naman nila ako.
Wow miss na miss yern?
"Ano nga po pala ang sadya niyo at naparito kayo?"
"We just missed you so much hija, I told manang na bibisita ako sayo kaya sumama siya"
"Pero diba po sinabi ko na po sainyo na hindi na po dapat tayo nagkikita kita?" Mahinang wika ko.
"Lily kung usapan niyo ni Irene yun kayo lang ni Irene ang sangkot dun bakit pati kami damay?"
"Tita mahirap rin po para sa akin pero siguro nga dito talaga magiging mabuti ang lahat" wika ko.
Nakipagkwentuhan sila sa akin at nang mag 7:30 ng gabi ay nagpaalam na sila. Kinukumbinsi ko pa sila na sana ito na ang huling dalaw nila at pagkikita namin para tumupad sa usapan nila Ms Irene ngunit ayaw nilang pumayag. Hindi ko tuloy alam kung matutuwa ako o hindj, dahil kahit papaano ay minahal talaga nila ang na parang kapamilya at kadugo.
------
"Kailan ka po ba kasi uuwi Steph? Miss na miss ka na namin oh" wika ko habang nakikipagcall kay Ma'am Perez and at the same time lumilibot sa mga stores ng SM para mamili ng regalo para kay Mama Meldy.
Inimbitan kasi ako ni Tita Imee sa birthday niya pero hindi ako dadalo, ipapaabot ko nalang ang regalo ko sakanya.
"Soon Lily, malapit na" sagot niya
"Hay nako, you always tell me na malapit na but Why do I fell like matatagalan ka pa diyan? Naenjoy mo na ata ang new work mo? Di mo na kami lab?" Rinig ko ang tawa niya sa kabilang linya.
"Hay nako Lily, basta uuwi ako soon. Don't worry araw-araw naman tayong naguusap ha"
"Iba parin yung andito ka Ma'am, pero sige lang po ang mahalaga nag-eenjoy ka diyan"
![](https://img.wattpad.com/cover/323502271-288-k912897.jpg)
BINABASA MO ANG
Path of a Lost Flower
Fiksi PenggemarSi Lily ang batang pilit na hinahanap ang tamang daan patungong tamang landas upang matagpuan ang magandang kinabukasan. Ano nga ba ang tatahaking Landas ng nawawalang bulaklak? Tutubo ba ito sa gitna ng unos na puro damo ang nasa paligid?