Ika-Dalawampu't apat na Kabanata

714 29 12
                                    

"Hoy hoy hoy! Saan ka pupunta? Mukhang nagmamadali ka ah" pigil ni Jenny  sa akin nang akmang lalabas na ako agad ng room

Lunch break na at wala na kaming klase ng hapon dahil ang dalawang subject teacher namin ay may meeting at si Ms ay di pumasok dahil may sakit.

"Diba wala ng klase? Uuwi na ako" wika ko

"Uuwi ba talaga?" Dudang tanong nito

"Oo naman" tinignan niya lang ako at pangiti ngiti siya

Huminga ako ng malalim

"Fine, pupuntahan ko si Ms. Nagguilty kasi ako dahil hindi ko pinilit na kunin niya yung payong kahapon. Im sure nagpaulan yun"

"Sus, napakabait mo talaga. Kahit nagtatampo ka sakanya ay may malasakit ka pa rin kay Ms. Alam ko naman na nahurt ka na kay Patricia nagupdate na hindi siya makakapasok kasi may sakit"

"Wala na sa akin yun noh, tanggap ko naman na may iba na siyang mas close" sabay irap ko

"Osige na mauuna na ako ha? Bye" wika ko at naglakad na papalabas ng school.

Bumili muna ako sa malapit na bakery ng Egg Pie bago sumakay ng tricycle at nagpahatid sa village nila Ms.

"Kuyang Guard magandang tanghali, Kay Ms. Irene po ang punta ko" wika ko

"Sige pasok lily, pasalamat ka kilala ka na namin at malakas ka samin" wika nito. Natawa naman ako bago nagpatuloy sa drive ang tricycle.

Nang makarating ako sa harap ng bahay nila Ms ay agad na akong nagdoorbell. Nakita ko si Tito Greggy na papalapit.

"Oh Lily, what are you doing here hija? Diba may klase ka pa?"

"Naku tito wala na po kaming klase mamayang hapon, nabalitaan ko po na may sakit si Ms. Pwede po ba siyang dalawin?"

"Sure, halika pasok ka" wika niya at pinagbuksan ako ng gate.

"Mabuti naman at dumalaw ka rito, aalis kasi ako at may mahalaga akong meeting. Gusto ko sanang icancel but Irene insist na kaya niya daw magisa dito, pinapagalitan pa nga ako eh" wika nito habang naglalakad kami papasok.

"Matigas po talaga ulo ng asawa niyo, siguro ay nagpaulan iyon kahapon kaya nagkasakit"

"Sinabi mo pa, ayun nga at tulog ngayon. Inaaway ako at di daw ako kakausapin pag cinancel ko ang meeting ko" natawa naman ako

"Teka kumain ka na ba? Pasensya ka na at hindi pa ako nakaluto, wala rin si Manang Estela nagbakasyon sa Cagayan"

"Pwede po bang pakialaman yung kusina niyo? Ako nalang po magluluto para po may kainin din si Ms mamaya"

"Sure Lily, naku pasensya na talaga ah. Babawi ako mamaya pagkauwi ko"

"Wala po yun, ingat po kayo"

"Osige, salamat ulit. Call me pag may problema ha? Pagpasensyahan mo na si Irene kung masungit, lagi kasi iyong masungit lalo na pag may sakit" natatawang wika nito, tumango naman ako.

Ilang sandali pa ay naglakad na ito paalis dahil mukhang mallate na.

Tinignan ko ang laman ng ref nila at punong puno ito, napagisipan kong magluto nalang ng Sinigang para naman may sabaw na hihigupin si Ms.

Nagprepare na ako ng mga sangkap at nagumpisa ng magluto.

"Hmm sarap" wika ko nang tikman ang niluto.

Pagkaluto ng sinigang ay pinuntahan ko na si Ms sa kwarto nila. Kumatok muna ako bago pumasok. Nakita ko siya na nakakumot ng makapal at tulog na tulog.

Path of a Lost FlowerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon