Ika-walumpu't apat na Kabanata

897 41 27
                                    

-IRENE-

"Irene" rinig kong boses habang may tumatapik sa balikat ko. Unti unti kong minulat ang mata ko at nakita ko si Manang na nasa harap ko.

"Manang" mahinang wika ko. Ngumiti ito sa akin na para bang nagsasabi na magiging okay din ang lahat kaya mabilis na nangilid ang luha ko.

"Manang a-ang tanga tanga ko. Im the worst" wika ko habang pinipigilan na wag umiyak.

"Sshhh, don't say that 'rene. Its not true" wika niya at niyakap ako.

"Manang mas gumulo lang pamilya namin. Hindi ko na alam ang gagawin ko, hindi ko rin naman makausap ng maayos si Greggy"

"Susubukan kong kausapin siya para magkaayos na kayo. Hindi mo kayang ayusin ang pamilya niyo ng mag-isa, kailangan niyong pagtulungang mag-asawa ito" wika niya.

Pagkabitiw niya ay pinagkwento niya ako kung ano ba ang nangyari kaya nagkwento ako.

Mahigit isang oras na iyakan ang lumipas ay napagpasyahan namin na magtungo na sa Kusina para magluto ng hapunan dahil magtatakil silim na.

"Wala pa rin ba sila Zia? Maggagabi na ha"

"Late silang umuuwi manang, she keeps herself busy dahil masama ang loob niya"

"Did you try to talk to her?"

"Umiiwas manang eh, just like greggy" mahinang wika ko.

Nagpatuloy na kami sa pagluluto at baka magkaiyakan nanama kami

Mag aala syete na ng gabi nang mapansin namin na may sasakyang huminto sa harap ng bahay, ilang sandali pa ay nakita namin si Zia na papasok.

"Tita? Mabuti po at nakadalaw kayo rito kahit papaano ay nabigyang buhay ang bahay na ito" wika niya nang mapansin kami. Lumapit siya rito at ngiting ngiting binati si Manang at nung natapat na siya sa akin ay nawala ang ngiti nito pero bumeso parin sakin

"Ikaw ha, you always keep yourself busy parati ata kayong wala dito sa bahay niyo" wika ni Manang.

"Kailangan po ng pagkakaabalahan eh" simpleng sagot niya.

"Okay go to your room first, bumaba ka pero kaagad dahil malapit na itong maluto" tumango si Zia at agad na umalis para magtungo sa kwarto nito.

After few minutes nakita namin si Zia na pababa na, nakabihis na ito ng pambahay sakto naman na nakaprepare na lahat ng pagkain sa mesa.

"Tita Are we not going to wait dad?" Tanong nito kay Manang.

"Ahm anak busy ang daddy mo, baka late nanaman siya makauwi" sagot ko. Tumahimik naman si Zia at tumango nalang.

Nang kumakain na kaming tatlo nila Manang ay sila lang ang nagkikwentuhan panay ang sarili ni Manang sa akin pero panay rin ang tahimik niya tuwing nababanggit ako kaya mas minabuti ko nalang na manahimik.

Nang matapos kaming kumain ay saktong nakita namin si Greggy na papasok ng bahay.

Himala di siya inabot ng hatinggabi ngayon.

"Dad" bati ni Zia sabay lapit sa tatay nito para bumeso.

Ngumiti si Greggy kay Manang at dumiretso na ito palayo

Di man lang ako pinansin.

"You okay? Sorry I know its not pero nagtatanong parin ako. You want me to talk to him" bulong ni Manang. Isa isang tumutulo nanaman ang luha ko.

"Manang---" wala akong ibang mabanggit kundi ang pangalan nito, yumakap na ako sakanya at umiyak.

"I'll go to my room na po" wika ni Zia at tumakbo papaalis.

Path of a Lost FlowerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon