Ika-walumpung Kabanata

877 47 37
                                    

"C'mon join us, kami ang bahala kay Mom" wika ni Zia at hinawakan pa ang kamay ko para sumama ako sakanila pabalik sa kwarto ni Mommy.

Pagkalabas ko ng kwarto ni Mommy ay agad na akong naglakad paalis sana ng hospital pero nung nasa lobby na ako ay nakasalubong ko siya kasama niya si Kuya Luis.

Nabigla ang mga ito nang makita ako kaya naman kinausap muna nila ako, nung una ay masama ang loob sa akin ni Kuya Luis at ni Zia pero agad nila akong pinatawad nung makausap ko sila.

Sinabi ko na hindi ko alam ang totoong nangyari kay Mommy, na sinadya kong umiwas magcellphone dahil alam kong papauwiin ako ni Zia dahil lang sa galit si Mommy.

Nagkaroon kami ng hindi pagkakaunawaan, Nang dahil dun inaakala kong pinapauwi lang nila ako dahil nga galit si Mommy, hindi ko naman alam na emergency pala.

Aaminin ko alam kong may mali pero hindi ko inakala na ganito kalala.

"Zi magagalit si Mommy, babalik nalang siguro ako mamayang gabi o di kaya bukas" wika ko.

"You looked so tired, Let's go I'll drive you home" wika ni Kuya, umiling naman ako.

"Kuya Im fine, kaya ko namang umuwi. Mom needs the both of you now, kawawa rin si kuya borgy at mag-isa niyang nagbabantay kay Mommy"

"Mag-isa? Diba he's with Tita Imee?" Tanong ni Kuya kay Zia tumango naman ito bilang sagot.

"Galit kasi sa akin si Tita Imee eh, napagalitan ako kanina pagkarating ko. Nagwalkout siya tapos ayun di na bumalik, pero naiintindihan ko siya may point lahat ng sinabi niya kanina" wika ko, natahimik naman ang dalawa.

"Don't worry, we will talk to them. For now you have to take a rest kasi tignan mo oh parang ikaw yung may sakit" biro ni kuya luis kaya natawa kami.

"You wait for dad and kuya Alfie, sabay sabay na kayong tumungo rito"

"Uuwi sila?"

"Yup, miss na ni gregorio ang mommy natin at nag aalala ito" tumango naman ako

"Sige na po, mauna na kayo at aalis na rin ako" wika ko.

Gusto pa sana akong ihatid ni kuya Luis pauwi pero tinanggihan ko na ito.

Nang makaalis na sila ay lumabas na rin ako sa hospital. Naghihintay ako ng pwedeng masakyan nang tawagin ako ni Ate Beth.

"You're going home na?" Tanong niya, nakabihis na ito, tapos na ata ang duty niya.

"Sumabay ka na sa akin, wait kumain ka na ba?"

"Hindi pa noh? Halika come with me let's have some breakfast muna" wika niya at hinila na ako patungo sa parking kaya wala na akong nagawa.

"Where do you want to eat?" Tanong niya habang inistart na ang makina ng sasakyan.

"Ate di ako gutom" wika ko, inirapan ako nito at nagfocus sa daan.

"Kahit na noh, tignan mo nga namumutla ka na" wika niya.

Pasimple ko namang tinignan ang sarili ko sa side mirror ng sasakyan, tama nga siya namumutla na ako para akong pagod na pagod.

Nagdrive thru nalang kami ni Ate Beth, pagkatapos nun ay nagpumilit siya na ihahatid na ako sa bahay para naman makapagpahinga na raw ako.

"Kainin mo yan mamaya ha? Lily take care of yourself too, alam ko iniisip mo si Tita Irene pero may mga bantay siya ngayon kaya dapat magpahinga ka para ikaw naman mamaya magbantay"

"But she dont want to see me, pinauwi nga po niya ako" nakayukong wika ko.

"Nagtatampo lang yun sayo, give her some time to think magiging okay din kayo" wika ni ate. Tumango naman ako.

Path of a Lost FlowerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon