"Big time ka na talaga Lily, naku salamat sa palibre ng tanghalian" natutuwang wika ng mga kapitbahay namin
Tanghaling tapat ay nasa silong kami lahat ng isang malaking puno ng Mangga dahil napagkasunduan naming lahat na dito kakain ng Tanghalian.
"Naku wala po yun, sukli ko po sa pagiging mabait sa akin simula nung napadpad ako rito" wika ko naman.
"Oh pag iyan napaiyak niyo ulit humanda kayo sa akin" wika ni Nay Auring kaya natawa kami.
Kanina pa kasi nila ako pinapaiyak sa mga mensahe nila.
Ilang saglit pa ay naprepara na lahat ng pagkain kaya naman nagdasal na kami bago simulan kumain.
"Picture muna tayo aba" wika ni Kuya Ronald kaya naman nagcompress kami at tumingin sa cellphone na hawak ni Kuya.
Nang magsimula na kaming kumain ay tuwang tuwa akong pagmasdan sila, punong puno sila ng ngiti at saya na nakikipagkwentuhan, tawanan habang kumakain.
"Naku sayang at wala iyong mga kaibigan mo, hindi mo ba sila inimbita?"
"Naku nasa bakasyon po ang mga iyon, si Jenny ho ay sumama sa mommy niya sa Singapore, si Rico naman ho ay nasa probinsya---"
"Eh iyong pogi na isa? Yung tahimik at seryoso palagi?" Natawa ako.
"Ah si dave po? Umuwi po ata siya ng probinsya eh" sagot ko
"Sayang naman, sana sa susunod na dalaw mo rito ay kasama mo sila o di kaya naman yung pamilya mo"
"Sana nga ho" sagot ko naman at nagpatuloy na sa pagkain
Saglit lang akong kumain dahil parang nabusog ata ako kakatingin sakanila, at kakatawa sa mga joke nila.
Habang busy sila sa pagkikwentuhan, pagkain ay kinuha ko ang cellphone ko at kinuhanan sila ng picture. Napangiti ako ng pagmasdan ang litratong nakuha ko. Ganitong buhay ang gusto ko, simple lang may mga kakulangan man pero mayaman sa pagmamahal.
"Lily buhay pa ba ang social media mo ha? It-tag kita sa pictures natin ha"
"Hindi po ako gaanong masocial media pero sige lang ho"
-----------
"Lily anak? Lily" lagpas ala syete na ng gabi at narinig kong may tumatawag sa labas kaya naman tinignan ko ito.
Nagulat ako nang makita sila kuya Ronald kasama si Dave Del Valle
"Dave? What are you doing here?" Tanong ko.
Natawa naman ng mahina sila Kuya Ronald at agad na nagpaalam sa amin paalis po
"Shocked? Para ka namang nakakita ng multo" biro nito bago yumakap sa akin.
"Hindi ko lang inexpect na makikita kita ngayon, kailan ka pa nakauwi?"
"Baka naman pwede mo akong papasukin muna? Or pwede namang dito tayo magkwentuhan sa labas" natatawang wika nito.
Agad ko siyang pinapasok at pinatuloy sa sala.
"Pasensiya ka na at---"
"Ayan ka nanaman sa kakapasensiya mo dahil magulo? Para kang others" biro niya kaya inirapan ko ito.
"So kailan ka pa nga nakauwi?"
"Kaninang hapon" sagot niya.
"Bat ang bilis niyong nagbakasyon? Hindi ka ba hahanapin nila Tita na kakauwi mo lang ay umaalis ka nanaman? Dapat nagpahinga---"
"Why do I feel like you're like mom? You're too loud" umiling iling pa ito.
"Aba, ayaw mo pala sa boses ko eh bakit ka pa pumunta dito?"
BINABASA MO ANG
Path of a Lost Flower
FanficSi Lily ang batang pilit na hinahanap ang tamang daan patungong tamang landas upang matagpuan ang magandang kinabukasan. Ano nga ba ang tatahaking Landas ng nawawalang bulaklak? Tutubo ba ito sa gitna ng unos na puro damo ang nasa paligid?