"Kamusta ka naman diyan? Baka naman nagpapalipas ka ng kain ha, naku sabi ko naman sayo eh na okay na sa akin na manatili nalang diyan sa pinas kasama naman na kita eh" wika ni Tiya helen habang kavideo call ko siya.
Magta-tatlong araw na simula nung nagflight siya papuntang Canada kaya naman mag-isa nalang ako rito sa may bahay. Ayaw pa nga nitong magprepare ng mga gamit pero sinamahan ko na baka mamaya eh maudlot pa ang alis nito.
"Naku namam Tiya maayos ho ako rito, medyo tahimik nga lang dahil mag-isa pero okay lang naman po" sagot ko sabay subo sa kinakain kong almusal.
"Sa susunod na linggo magpapadala ako dahil bibigyan raw ako ng pera ng Ate mo, maghahanap rin ako ng trabaho rito"
"Tiya naman meron pa po yung pera na bigay mo sa akin bago ka umalis, sobra pa ito sa isang buwan ko"
"Huwag ka ng madaming reklamo, magpapadala ako bumili ka ng mga bagong gamit mo at deserve mo yun" napangiti naman ako.
"Salamat po tiya"
Nagkwentuhan pa kami habang kumakain ako ng almusal pero nagpaalam na rin ako ng may magdoorbell.
Agad akong lumabas ng bahay at nakita ko sila Dave, Rico at Jenny sa labas kaya pinagbuksan ko sila ng gate.
"Oh miss niyo ako? Saan ang lakad niyo?" Biro ko dahil nakabihis ang mga ito.
"Lily naman nakalimutan mo ba?" Wika ni Rico.
"Ang alin?"
"Nakalimutan nga" mahinang wika ni Jenny at umirap pa.
"Teka ano ba yun?"
"Practice ng play ngayon gaga ka, mal-late na tayo hindi ka pa pala nakabihis at kumakain ka palang" agad naman akong napasapak sa ulo ko ng maalala na ngayon nga pala yung continuation ng practice namin. Dalawang linggo kasi na napostponed dahil busy ang mga mentors.
"Hala oo nga pala, mauna na kayo susunod ako"
"Totoo ba yan? Baka naman iniiwasan mo nanaman si Ms" wika ni Jenny napahinto naman ulit ako
Oo nga pala makikita ko siya ngayon.
"Buang ka talaga jenny bakit ko naman siya iiwasan? Dali na mauna na kayo susunod ako. Kayo na bahala magpalusot kung bakit late ako, dadalian ko nalang" wika ko
"Pakisara yung gate ha? Kitakits tayo mamaya"
----------
-IRENE-
"Good Morning Ma'am Maria, Good Morning po Ms" bati ni Jenny, Rico at Dave pagkarating nila sa Civic Center kung saan kami magppractice ng play.
Where's Lily? Don't tell me hindi siya dadalo dahil iniiwasan niya ako?
"Good Morning sainyo" bati naman namin ni Ma'am Maria.
"Jenny you know where's lily?"
"Ah Ms mukhang mal-late po ata siya"
"Why?" Tanong ko. Mukha namang kinabahan silang tatlo. Well, when it comes to getting late alam nilang strikta ako diyan.
"K-kasi po ano---"
"Masama po kasi pakiramdam niya Ms. Diba Dave Jenny?" Wika ni Rico. Agad namang nagsitanguan yung dalawa.
"Kaya po nung dinaanan namin siya sa bahay nila kikilos palang po siya pero po susunod naman daw po siya"
"Huh? Is she okay? May sakit ba siya? Since when?" Nag-aalalang tanong ko.
"Okay naman po siya Ms, medyo hindi lang maganda ang paggising dahil medyo masama pakiramdam kaya nahirapan bumangon" wika naman ni Jenny.
BINABASA MO ANG
Path of a Lost Flower
FanficSi Lily ang batang pilit na hinahanap ang tamang daan patungong tamang landas upang matagpuan ang magandang kinabukasan. Ano nga ba ang tatahaking Landas ng nawawalang bulaklak? Tutubo ba ito sa gitna ng unos na puro damo ang nasa paligid?