Ika-walumpu't dalawang Kabanata

959 50 29
                                    

-IRENE-

"Are you out of your mind Irene? Bakit mo naman sinabi yun sa bata?" Wika ni Greggy.

"Greg I think its for the best, hindi mo ba nahahalata ha? Hanggang ngayon mas matimbang parin sila kaysa sa atin"

"Irene hindi pa naaayos ang pamilyang ito, at dahil sa ginawa mo I don't think na maaayos pa" stress na stress na wika niya.

Napayuko nalang ako at di na nakaimik.

Tama siya, dahil sa ginawa ko malabo ng maayos ang pamilya namin. Pero sino ba ako para hadlangan ang kasiyahan ng anak ko? Sino ako para ipagkait sakanya yung mga bagay na makakapagbigay sakanya ng totoong saya?

"Akala ko ba gusto mong maayos ang pamilyang ito ha? Why did you do that? Irene naman" wika nito, kitang kita ko kung gaano siya kaproblemado ngayon. Alam ko rin na seryosong seryoso siya dahil tinatawag niya na ako sa pangalan ko.

"Gusto ko naman talaga, sino bang may ayaw na maging maayos ang lahat?---"

"So why did you say that to her? You know na mas makakapagpalayo ng loob nung bata sa atin yun!" Medyo napataas na na wika nito kaya napapikit ako.

"Greggy ayoko ng kinukulong yung bata sa atin dahil alam kong di siya masaya, gusto ko siyang bigyan ng kalayaan. Mas mabuti nang hindi ako yung maging masaya basta yung anak ko nalang. Can't you understand it?"

"Eh ikaw naiintindihan mo ba ang punto ko? Irene naman, sa tingin mo ba masaya si Lily ngayon? Masaya ba ang anak mo sa sinabi mo kanina? Iisipin lang nun na ayaw mo na sakanya, na papabayaan mo na siya!" Malakas na wika nito.

Ilang sandali pa ay may kumatok sa pinto ng kwarto namin, bumukas ito at nakita namin si Luis.

"Are you two fighting?" Wika niya kaya natahimik kami.

"Nakausap mo na ba ang kapatid mo?" Tanong ni Greggy not minding the question of Luis.

"I went to her room to talk to her pero tahimik lang ito. Hindi niya masyadong sinasagot ang mga tanong ko, kaya umalis na muna ako to give her space" sagot ni Luis.

"But she told me na di pa niya daw nakausap sila Ma'am Perez, she will call her later daw pag di na busy ang mga ito" dagdag ni Luis. Kitang kita ko ang pagpikit ni Greggy.

"She will not go anywhere okay? Dito lang si Vianne" greg said.

"Greggy hayaan mo na---"

"Irene kung kaya mong hayaan ang anak natin ibahin mo ako! Pwede ba? Ikaw ang may gawa nito eh, sana man lang kinausap mo muna ako. Our family is still not okay and then may ganito nanaman? Di ba kayo nagsasawa ha?" Malakas na wika nito kaya lumapit sakanya si Luis para pakalmahin.

Unti unti namang nagtubig ang mga mata ko. Ngayon lang ulit nagalit ng ganito si Greggy sa akin, ngayon niya lang ako nasigawan ng ganito.

"Talk to your mom Luis, baka sakaling maintindihan niya ang point ko. Irene fix this I'm telling you!" Seryosong wika ni Greggy sabay alis ng kwarto namin kaya naiwan kaming dalawa ni Luis dito.

Agad naman na bumuhos ang mga luha ko pagkaalis niya, kaya naman lumapit sa akin si Luis and caressed my back.

"I-im just doing what I think is right, Luis h-hindi masaya ang kapatid mo dito sa atin. May iba siyang buhay bago tayo dumating sa buhay niya, at alam kong hanggang ngayon mas gusto niya dun"

"But Mom we need her too, we can't let her go dahil lang dun. She loves us too and I know nasaktan siya sa sinabi mo even though your point is to make her happy"

Path of a Lost FlowerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon