Ika-pitumpu't dalawang Kabanata

805 54 7
                                    

"Sshhh tahan na lily, everything will be alright. Marami ka ng pinagdaanan na higit pa dito, sisiw nalang ito sayo eh" wika ni Jenny while rubbing may back.

"Ikaw pa ba? Si Lily ka eh, Lodi ka kaya pagdating sa ganito eh papaano minamani mani mo lang lahat ng problema" wika rin naman ni Rico.

"Tumahan ka na diyan, malalagot kami sa pamilya mo kung malagutan ka ng hininga dito kakaiyak. Hinihika ka na oh" wika naman ni Dave, nakatanggap siya ng batok mula kay Rico kaya natawa kami.

"Oh ayan tumawa ka na, tigil na sa pag-iyak. Naku pasalamat ka Boy scout itong dalawang mokong na ito, nakaready ang inhaler" wika ni Jenny, napangiti naman ako.

For keeps talaga itong mga ito, napakathoughtful pa ng dalawang mokong dahil nung tinawagan daw sila ni Jenny at nag-ayang lumabas ngayong gabi ay napansin na nilang may problema kaya naman bago nila kami sunduin ay dumaan sila sa bukas na Pharmacy para bumili ng inhaler.

Natrauma na ata dahil may isang gabing lumabas kami at nagiiyakan kami dahil sa problema ay hindi ako makahinga, wala pa man din akong dalang inhaler nun mabuti at may paper bag iyon ang ginamit para makahinga ako kahit papaano.

"Si Dave talaga nakaisip nun, biglang huminto sa pharmacy nagtataka pa ako kaya sumama ako para tignan kung ano ang bibilhin" wika ni Rico at inaasar asar pa si Dave.

"Ikaw Del Valle may pagkasweet type ka rin pala" gatong naman ni Jenny, umiling nalang si Dave at ngumisi.

"Pasensiya na kayo ha, imbes na nagcecelebrate tayo dahil sa mga achievements niyo this school year wala dahil sakin nagdadrama tayo" wika ko.

"Sus para ka namang others lily, marami pang time para magcelebrate atsaka anong achievements lang namin? Mas marami ka ngang achievement ngayon, biruin mo yun nakaya mong kayanin lahat ng dumating na problema mo. Kaya proud na proud kami sayo eh" napangiti naman ako at naluha nanaman dahil sa sinabi niya.

"Ayan pinaiyak mo nanaman, tumahan na nga eh"

"Aba ang ganda nung sinabi ko tas kasalanan ko nanaman? Wala na ba talaga akong ginawang tama saa paningin niyo?"

Natawa ako habang pinagmamasdan silang nagtatalo, kung may isa man akong ipagpapasalamat ng sobra sobra iyon ay yung sila yung naging kaibigan ko. Na nabigyan ako ng kaibigan na handang makinig, umagapay at tumulong sa oras ng pangangailangan.

"Wag ka ng magemo diyan wala ka ng mata kakaiyak, mabuti pa kumain na tayo" wika ni Dave kaya naman nagsibukasan na sila nung mga pagkain na binili namin bago tumungo dito sa lugar na palagi naming pinupuntahan tuwing tumatakas.

Napagpasyahan namin na tumungo sa isang private property na may antaas taas na gate, kinakailangan pa naming akyatin ito para makapasok. Maluwang ang loteng ito, May bahay sa pinakadulo pero walang tao. Nagustuhan namin ang lugar na ito dahil sa isang bandang dulo ay kitang kita ang buong city, ang gandang pagmasdan lalo na pag gabi kitang kita ang mga ilaw at ang mga sasakyan na nasa daan.

"Cheers?" Wika ni jenny at itinaas ang bote ng beer.

"Cheers!" Wika naman namin at nagbottoms up.

"Life is really complicated as f!" Bulong ni Del Valle.

"Sinabi mo pa, pero boring din ang buhay kung walang problema" wika naman ni Jenny.

"Anong oras na dito na ba tayo papalipas gabi?"

"Dito na, ayokong umuwi dibale sinabihan ko si Kuya Alfie na kila Jenny muna ako. Eh kayo? Di ba kayo mahuhuli na tumakas?"

"I messaged mom na makikitulog kila Rico para di na ako hanapin bukas"

Path of a Lost FlowerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon