Weeks passed.
"Lily kanina pa nagrring itong phone mo, sagutin mo baka importante" wika ni Ma'am Roda habang nakatambay ako sa room niya.
After lunch ay wala na kaming klase dahil vacant namin kaya tumambay muna ako rito dahil may klase naman si Ma'am Yen. Mamayang alas tres ako lilipat dun pag may klase na si Ma'am Roda.
"Number lang naman po Ma'am sasagutin ko po ba?" Wika ko, tumango naman ito
"Sagutin mo nalang at nang matigil na" wika niya
Agad ko naman ding sinagot ang tawag
"Hello po?" Wika ko
"Lily hija!" Pamilyar na boses ang nagsalita.
"May I know po who is this?"
"Naku naku, ilang buwan palang tayong di nakapagusap at nagkita nakalimutan mo na ako" wika niya, napalaki ang mata ko nang mapagtanto kung sino ang kausap ko.
"Ma'am Imee?"
"Ma'am? Diba napagusapan na natin iyan?"
"Ay tita Imee po pala hihi, hala kamusta na po kayo?"
"Eto kakatapos lang ng super hectic schedule kaya ngayon lang kita natawagan. Nakuha ko pala number mo kay Irene, I hope you don't mind"
"Okay lang po hihi"
"Ikaw kamusta ka? Miss na kita, ano oras uwian niyo? Pwede ka bang maidate?"
"Ngayon po? Wala na po akong klase"
"Pwede ba tayong lumabas?"
"Sure po, saan po ba tayo magkikita?"
"I'll fetch you nalang. At may ibibigay rin ako sa kapatid ko"
"Uh sure po, just message me po pag nasa gate ka na po" wika ko.
"Sino yun? Mukhang aalis ka na ah" wika ni Ma'am Roda pagkababa ko ng cellphone ko
"Kapatid po ni Ms. Irene si Tita Imee"
"Imee Marcos? mukhang close na close kayo"
"Medyo lang naman po, she's asking me to go out can i go?"
"Sino ako para hindi ka payagan? Eh mukhang umoo ka na sakanya eh" biro niya
"Basta you update us about your whereabouts huh?" Tumango naman ako.
Mga kalahating oras ang nakalipas nagmessage na si Tita Imee na nasa school canteen na daw ito, kaya naman agad ko na siyang pinuntahan.
Napahinto ako sa pagpasok sa loob ng canteen nang makita na kasama niya si Ms. Irene. Akmang tatalikod muna ako nang marinig ko ang boses ni Tita Imee na tinawag ang pangalan ko kaya wala akong choice kundi lumapit sakanila.
"Good afternoon po Ms, Good afternoon po Tita Imee" bati ko sakanila. Tuwang tuwa naman akong niyakap ni Tita Imee at si Ms. ay ngumiti lang sa akin ng tipid.
Simula nung nagkausap kami matapos malaman ang katotohanan ay hindi na kami nagkaroon ng matinong pag-uusap. Kung maguusap man kami ay saglitan lang kagaya ng kung may tatanungin ako o di kaya pag may iniuutos ito.
"You sit down first hija, may pinaguusapan lang kami ng Ma'am mo saglit" wika nito kaya umupo ako sa tabi niya.
"You should come Irene, alam naming busy ka and so we are but we will find time for that day. Mom organized that event so don't disappoint her" wika nito.
"Fine, anong araw ba iyon Manang?"
"Next week saturday. Walang pasok nun sa wala kang excuse na hindi pupunta"
BINABASA MO ANG
Path of a Lost Flower
FanfictionSi Lily ang batang pilit na hinahanap ang tamang daan patungong tamang landas upang matagpuan ang magandang kinabukasan. Ano nga ba ang tatahaking Landas ng nawawalang bulaklak? Tutubo ba ito sa gitna ng unos na puro damo ang nasa paligid?