"Zi you looked so tired, are you okay anak?" Tanong ni mommy habang nagbbiyahe kami pauwi ng bahay.
Alas nwebe na ng gabi nang mapagpasiyahan namin na uuwi na sa bahay galing San Juan dahil may pasok pa bukas, naiwan naman sila kuya at sila Tita Imee para raw may kasama si Mama Meldy.
"Yeah mom, just a bit dizzy po" simpleng sagot ni Zia sabay pikit ng mata nito.
"You want me to call Dr. Enriquez anak? Para paguwi natin ay macheck ka niya"
"No need mom, Im fine. Kailangan lang po ng pahinga" wika nito kaya napatango si Mommy.
"Okay anak, just tell us if something's wrong okay? Magpahinga na muna kayo at medyo matagal pa ang biyahe"
Hindi nga nagtagal ay di ko na namalayan ay nakaidlip na rin ako, nagising na lamang ako nung maramdaman kong huminto na ang sinasakyan namin.
Agad kaming dumiretso ng lakad ni Zia sa kanya kanya naming kwarto, humalik muna kami kila mommy at daddy bago pumasok.
Pagkahiga ko naman sa kama ko ay parang nawala bigla ang antok ko kaya naman napagpasiyahan kong bumaba na muna ng bahay para uminom ng gatas.
Sakto naman na pagpasok ko sa may kusina ay nakita ko si mommy at daddy na nagw-wine.
"Oh lily anak bakit hindi ka pa natutulog?" Tanong ni Daddy.
"Nawala po yung antok ko eh" wika ko.
"Come here" wika naman ni mommy kaya lumapit ako sakanila.
"Ano pong meron bakit nagwwine kayo?" Tanong ko.
"Hay naku your dad can't sleep so we decided to go down and drink some wine para antukin"
"Nawala rin po antok ko, pwede pahingi?" Biro ko sabay tawa ng mahina.
"You better go get your milk in the fridge"
"Sus tikim lang eh" sabay pout ko.
"Lily matapang toh"
"Kayang ipaglaban si mommy?"
"Kayang lumaban para kay mommy"
"Landi mo greggy" wika ni mommy kahit halata namang kinikilig.
"Ang landi niyo po kamo, parang teenager lang tayo mareng irene kung makapagblush ah" pang-aasar ko sabay tayo para kumuha ng gatas.
"Shut up vianne, im not blushing kaya" deny nito pero tinatawanan lang namin siya ni daddy.
"You drink milk na and go to bed maaga ka pa bukas anak"
"Can I go home late tomorrow?" Wika ko, susulitin ko na pagkagood mood nila.
"Why?" Nakataas na kilay ni mommy.
"Aayain ko po sanang lumabas sila Jenny, ilang linggo ko na rin po silang di nakakasama eh" nagkatinginan sila mommy.
"Saan kayo pupunta?"
"Mall? Basta kakain lang po sa labas"
"Lily walang iinom ha, please anak don't break rules again. Delikado kaya yung ginagawa niyo" napatango naman ako, biglang nahiya sa naalala.
"Basta before 8 nakauwi ka na dapat"
"Thankyou po" masayang wika ko aabay halik sa mga pisngi nila.
---------
"Until now I can't believe na sila Ms yung totoo mong pamilya, myghad grabe ang liit ng mundo" wika ni Jenny habang nakasakay kami sa sasakyan nila Dave papuntang Mall.
BINABASA MO ANG
Path of a Lost Flower
FanfictionSi Lily ang batang pilit na hinahanap ang tamang daan patungong tamang landas upang matagpuan ang magandang kinabukasan. Ano nga ba ang tatahaking Landas ng nawawalang bulaklak? Tutubo ba ito sa gitna ng unos na puro damo ang nasa paligid?
