"LIAR! SINGUNGALING, I HATE YOU, HINDI MO NAMAN TALAGA AKO MAHAL" Sigaw ni Zia na gumulat sa amin ni Mommy.
Bigla itong naglakad ng mabilis ngunit tumakbo si mommy para pigilan siya. Hinawakan ni mommy ang siko niya at pinaharap sakanya.
"What did you say?" Hindi natutuwang wika ni mommy na gulat na gulat parin.
Patuloy sa pagbagsak ang mga luha ni Zia habang nakatingin kay mommy.
"Hello Peop---- what is happening here? Teka mommy anong nangyayari?" Biglang sulpot ni Kuya Luis at kuya Alfie.
Nabigla pa kami nila mommy at Zia kaya napaayos kaming lahat ng tayo. Gulat na gulat rin ang mga kapatid kong lalaki nang makita ang ayos namin
"What happened mom? Why are you all crying? Nag aaway nanaman ba kayo Zia and Lily? Zia anong nangyari?" Ulit na tanong ni kuya alfie at kuya Luis.
"Zia answer me"
"Why me? Kailangan ba ako palagi?" Sumbat nito
"Can you please stop disrespecting us?" Wika ni Mommy
"Wow, pag ako ang sumusumbat sainyo hindi pwede pero pag kay lily okay lang? Napakaunfair niyo talaga"
"Zia isa!"
"What?! Kahit bilangan mo ako kuya I don't care!"
"Ang daya daya niyo" iyak niya.
"Can you all please stop? Myghad akala ko ba okay na lahat? Bakit nandito nanaman tayo sa point na nagkakagulo?" Disappointed na wika ni kuya Luis.
"We we're okay na Zia diba---"
"I said its not my fault, bakit ba hindi kayo naniniwala sa akin?!"
"Okay naman na talaga tayo ah, pinilit nating lahat maging okay kahit medyo labag sa kalooban ng iba sa atin. Siguro nga yun yung mali natin kaya nagkakagulo ulit tayo, kasi hindi natin hinayaan na kusang maayos ang pamilyang ito, kasi minadali natin ang pagaayos ng lahat" malakas na wika niya.
Tama nga siya, inayos namin ang pamilyang ito pero imbes na tuluyang maayos mas lumala pa dahil hindi pa naman talaga kami naghheal lahat eh. May mga sama ng loob pa sa isat isa na pilit winawala alang alang lang sa pagkakaayos ng pamilyang ito.
"Bakit hindi niyo sisihin si Lily? Diba Lily ikaw naman talaga ang may kasalanan? Pinagtatanggol ko lang si Mommy, and ikaw mom? Bakit ba hindi mo makita yung mga effort ko sayo ha? Bakit ba mali ko nalang lahat ang nakikita mo?" Umiiyak na wika nito.
"Ang unfair unfair mo sa totoo lang"
"Zia" madiin na wika ni kiya Alfie para pigilan ito.
"Kuya please, kahit ngayon lang let me tell my side also. Matagal ko na kayong pinagtatanggol sa lahat, pero ngayon hayaan mo naman akong ipagtanggol ang sarili ko sainyo. Kahit ngayon lang please"
Lahat kami natahimik. Nakayuko na ako dahil hindi ko kayang tignan sila na sa ganoong ayos, nagsisiiyakan nagsusumbatan at unti unting nawawasak.
"Now Mom im going to ask you this again, anak mo ba talaga ako? Mahal mo ba talaga ako mommy?"
"Anak naman anong klaseng tanong ba iyan? Syempre mahal kita, anak kita eh" pilit hinahawakan ni mommy si Zia pero umaatras ito.
"Kung anak mo ako at mahal mo ako, Ma bakit di ko ramdam yun?" Mahinang wika ni Zia.
Humihikbi na kaming lahat. Sila kuya naman ay tahimik lang at naluluha luha na.
"Bakit simula pagkabata hindi ko man lang nakita na nageffort ka para iparamdam sa akin na mahal mo rin ako gaya ng pagmamahal mo sa mga kapatid ko?" Nagdadamdam na wika nito.
BINABASA MO ANG
Path of a Lost Flower
FanfictionSi Lily ang batang pilit na hinahanap ang tamang daan patungong tamang landas upang matagpuan ang magandang kinabukasan. Ano nga ba ang tatahaking Landas ng nawawalang bulaklak? Tutubo ba ito sa gitna ng unos na puro damo ang nasa paligid?