Ika-apat na Kabanata

724 36 11
                                    

"Oh Kuya Ronald, Kuya Roger kay aga aga naman na inom yan. Nako kayong dalawa talaga di na matuturuan ano?" wika ko at huminto sa harapan nila para sermonan sila dahil kay aga aga umiinom na agad.

"Lily naman, ngayon na nga lang ulit kami uminom. Atsaka teka nga wala ka bang pasok?" Pagiiba ng usapan ni kuya Ronald.

"Wala po, nako mga kuya Pag kayo hindi tumigil diyan nako kawawa ang atay at ibang organ ninyo. Kung gusto niyo pang tumagal sa mundong ito iwasan niyo na yan"

"Opo master Lily, isang bote lang pampawala lang ng mga iniisip" sagot ni kuya roger.

"Bakit may problema po kayo? Sabihin niyo sa akin baka makatulong ako" napansin ko na napangiti sila sa narinig.

"Wala yun Lily ikaw talaga oh"

"Basta mga kuya kung may kailangan kayo sabihan niyo ako para matulungan ko kayo, kung hindi ko man kaya magagawan naman siguro natin ng paraan. Magiging ayos rin ang lahat" sabay ngiti ko at tap sa mga balikat nila.

"Salamat Lily ha? Kahit papaano gumaan ang pakiramdam namin. The best ka talaga master" natawa naman ako.

"Osiya sige at tutungo na ako sa palengke para tumulong magdeliver kay Mang Jose. Itigil niyo na yan ha" bilin ko sabay kaway sakanila at naglakad na paalis.

Medyo malapit lang ang palengke sa akin kaya naman kayang kaya ng lakarin.

"Magandang Umaga po Mang Jose!" Masayang bati ko

"Magandang Umaga rin sayo Lily, ang aga mo ngayon"

"Wala na po kasi akong magawa sa bahay kaya tumungo na ako rito para tumulong magdeliver"

"Sakto at marami ng order ang kailangang ideliver"

Iniayos na ni Mang Jose ang mga karne ng manok at baboy na idedeliver. Inilagay niya ito sa bayong at iniabot sa akin.

"Heto ang mga listahan, kilala mo naman na ang mga iyan"

"Opo Mang Jose"

"Eto nga palang Estela ay sa may village rin nakatira, ihuli mo nalang ang mga order sa may village at para hindi ka mahirapan magpabalik balik"

"Opo ako na po ang bahala maghanap ng bahay nila dun nakalista naman po dito"

"Mag-iingat ka ha? Gamitin mo na ang Ebike diyan, pero dahan dahan lang. Huwag kang magmadali dahil marami kang oras"

"Opo Mang Jose salamat po" masayang wika ko at agad na tumungo sa ebike para ilapag sa basket ang bayong at inistart ng umalis.

"Aling Nena deliver po ng Karne na order niyo kay Mang Jose"

"Ay oo nga pala, teka at kukuha ako ng bayad"

Ilang sandali pa ay iniabot niya na sa akin ang bayad

"Mabuti naman at tumigil na agad sa paginom si kuya roger at kuya ronald?" Wala na kasi sila sa harap ng tindahan ni Aling Nena

"Ay oo sinermonan mo daw kasi kaya tumigil na sila" natawa naman kami ni Aling Nena.

"Mabuti naman po kung ganun at nakinig sila, sige po mauna na po ako at marami rami pa itong idedeliver ko"

"Osige magiingat ka"

Mahigit isang oras din akong lumibot libot sa iba ibang baranggay para magdeliver, hindi naman ako gaanong napagod dahil naka Ebike naman ako.

Napagpasyahan ko na huminto muna sa isang convienient store para bumili ng maiinom.

Namimili ako ng mura na pwedeng bilhin nang biglang may nakasagi sa akin at medyo natapuan pa ako ng kape na hawak niya sa kamay.

Path of a Lost FlowerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon