"kanina ka pa tahimik" pabulong na wika ni Dave sa akin habang nasa loob kami ng sasakyang Van patungo sa Boracay.
"Huh? kinda tired lang sa biyahe" sagot ko naman.
Tumango si Dave at nanahimik nalang rin. Mabuti nalang ay nakapagready si Ma'am Perez at nakapagbook siya sa Klook kaya naman hindi na problema sa amin ang mga sasakyan dahil kasama na ito sa package.
"Ma'am Yen inubos na ni Jenny yung Sandwich na ginawa mo" reklamo ni Rico, mahinang humagikgik naman sila Ma'am sa narinig.
"Ha bakit ako lang? Kaming dalawa kaya ni Zia ang kumain noh" wika naman ni Jenny, nagsitingin sila kay Zia na parang nang-aasar
"Okay Fine, sorry naparami po kain ko dun sa sandwich ang sarap po kasi eh" natatawang wika naman ni Zia na ikinatawa nila
"Andaya di ko pa natitikman yun" patuloy sa pagreklamo si Rico
"Meron naman diyan yung ginawa ni Ma'am Roda na Cinnamon roll ha. Iyon muna rico"
"Wala na rin mam, sinong umubos?" Naiinis na wika ni Rico kaya natawa kami
"Not me"
"Ako rin"
"Di ko pa yun natitikman" sunod sunod na wika nila
Nagkatinginan kami ni Dave nang mapatingin silang lahat sa amin. Unti unting tinaas ni Dave ang wala ng laman tupperware na kanina'y naglalaman ng Cinnamon roll. Nagpeace sign kaming dalawa ni Dave kaya natawa sila except for rico na parang gutom na gutom
"Ayan kasi, alam mo naman na favorite ni Dave at lily iyon"
Nakasimangot na si Rico at parang nagtatampo, as if naman seryosohan.
"Arte mo Rico, here take this siguro naman enough na yan" wika ko sabay abot sakanya nung kanina niya pa hinihingi sa akin na waffle na nabili ko sa may airport
"Suree, thanks for this lily the best ja talaga" halos umabot sa tengang ngiti wika niya.
--------
"You ready? They are waiting for us na" wika ko kay Zia na nakaupo sa may mini couch ng kwarto namin sa hotel. Tatlo kaming magsasama sa kwarto na ito dahil kasama namin si Jenny. Sa kabila naman ay ang tatlong oldies na kasama namin at sa pang two rooms si Dave at Rico.
Pinili nila Ma'am ang Movenpick resort dito sa boracay na pagi-stay-an namin, mas okay raw dito kasi exclusive at magkakaroon ng privacy dahil sa hindi marami ang tao.
"Yeah, hinihintay nalang kita. Let's go?" Wika niya tumango naman ako at napangiti.
Okay na ba kami? Sana.
Nagtungo na kami sa lobby at agad naming nakita sila Ma'am.
"Kumakain nanaman kayo" pang-aasar ko kila Jenny at Rico na may dalang chips.
"Inggit ka lang eh. You want?"
"Nah thanks"
"Me I want, Can I have some?" Wika ni Zia binigyan naman siya ni Rico.
Habang kumakain ang tatlo ay pinagiisipan na namin kung ano ang unang activity na gagawin namin. Sakto hapon na at wala ng araw.
"Crystal kayak please" suggestion ni Ma'am Yen na parang excited, natawa naman kami sakanya.
"After Crystal kayak can we try the Banana Boat? UFO and Parasailing?" Suggestion naman ni Zia kaya napatingin kami sakanya.
"Are you sure with that Zi?" Tanong ni Ma'am Roda tumango naman si Zia
"Its fun, please ma'am I badly want to try it huhu" wika niya.
"Matatanda na sila Zi di ka nila kayang samahan sa activity na yun, kami nalang sasama sayo" pang-aasar ni Rico kila Ma'am.
BINABASA MO ANG
Path of a Lost Flower
Fiksi PenggemarSi Lily ang batang pilit na hinahanap ang tamang daan patungong tamang landas upang matagpuan ang magandang kinabukasan. Ano nga ba ang tatahaking Landas ng nawawalang bulaklak? Tutubo ba ito sa gitna ng unos na puro damo ang nasa paligid?