Ika-apatnapu't siyam na Kabanata

900 41 21
                                    

"Sige po Ate sasabihin ko po agad kay tiya helen pagkauwi niya"

"Salamat Lily, matutuwa si Mama pag nagkataon matagal niya na itong gusto eh. Sige I have to end this call na at may trabaho pa ako. Salamat ulit magiingat kayo diyan" wika ni ate Glenda sa cellphone bago ibaba ang tawag.

Napangiti ako at napasinghap. Ilang linggo nalang pala magisa nanaman akong mamumuhay.

"Oh Lily akala ko ba may lakad kayo ni Jenny? Bakit hindi ka pa kumikilos?" Rinig kong wika kaya lumingon ako, nakita ko si Tiya Helen na maraming dala kaya tinulungan ko siya.

"Andami niyo po atang binili sa palengke tiya"

"Ah oo, para may stock tayo dito" sagot niya habang inaayos ang mga pinamili sa lamesa.

"Anong oras ba lakad niyo?"

"Hindi raw po tuloy tiya sa friday nalang daw po" sagot ko tumango naman ito.

"Nga pala Tiya tumawag ho sa akin si Ate Glenda"

"Talaga anong sabi?" Excited niyang wika.

"Pinapasabi po na maayos na po lahat ng papeles niyo papuntang Canada at sa linggo nalang daw po ang hihintayin at maaari na kayong magflight" wika ko, kitang kita ko na agad nawala ang ngiti ni tiya sa labi kaya napakunot ang noo ko

"Bakit po parang di kayo masaya tiya? Naku sabi ni ate Glenda matagal niyo na pong gustong kunin nila kayo rito"

"Lily iba na ngayon" wika niya.

"Dati gustong gusto kong kunin nila ako rito dahil mag-isa ko lang na namumuhay dito, pero ngayon hindi na siguro kailangan andito ka naman na na kasama ko. Atsaka lily kung aalis ako paano ka? Ayaw kitang iwan dito noh" wika niya kaya napangiti ako.

Parang may humaplos sa puso ko sa narinig

Lumapit ako sakanya at niyakap siya.

"Tiya aaminin ko ho nakakalungkot isipin na aalis ka, syempre ngayon lang ulit ako nagkaroon ng pamilya na matatawag pero agad na babawiin"

"Oh kita mo, kaya di na ako pupunta. Mamaya rin ay tatawagan ko sila glenda"

"Pero tiya mas magandang buhay po ang naghihintay sainyo dun, makakasama niyo na po sila Ate Glenda ang mga apo mo po makakabonding mo. Diba miss na miss mo na po sila? May chance na po oh na makasama sila"

"Lily pero paano ka dito?" Tinignan niya ako na para bang problemado, nginitian ko lang ito at hinawakan ang kamay.

"Tiya huwag ho kayong mag alala sa akin at sanay na ho akong maging magisa kayang kaya ko na po yun. At isa pa may cellphone naman oh, lagi mo naman po akong tatawagan diba?"

"Syempre naman, pero lily sa totoo lang hindi na kailangan ang pagpunta dun dahil may kasama na ako rito"

"Tiya kailangan niyo ho para makasama ang mga anak at apo niyo, huwag niyo akong intindihin dito"

"Pagiisipan ko pa, sa ngayon samahan mo na ako dito sa lulutuin ko at huwga na muna nating pagusapan iyan"

-----------

"Asan ka na bang bata ka? Anong oras na lily, uwi na anak" wika ni Tiya Helen sa cellphone nang tawagan niya ako.

"Tiya huwag niyo na ho akong hintayin matulog na po kayo. Uuwi rin po ako mamaya maya" wika ko.

"Umuwi ka kaagad ha? Maaga pa ang practice niyo bukas"

"Opo tiya, matulog na po kayo. Goodnight po" wika ko sabay baba ng tawag.

Lagpas alas nwebe na at nandito ako sa may 7eleven malapit kung saan kami nagtalo ni Ms. Irene nung hinatid niya kaming lahat.

Ilang araw na ang nakalipas simula nung nasumbatan ko siya at hindi parin mawala sa isip ko yung kamalditahang ginawa ko. Nar-remain sa isip ko yung mukha ni Ms na umiiyak habang pinagsasalitaan ko siya. Sumobra ba ako?

Path of a Lost FlowerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon