"Lilienne hoy, nakikinig ka ba?" Agad akong nabalik sa realidad nang marinig ko ang boses ni alice. Kumaway kaway pa ito sa harap ko para kunin ang atensiyon ko.
"Sorry Alice, ano yun ulit?"
"Hay naku, kanina pa ako nagsasalita dito di ka naman pala nakikinig" natawa naman sila gelo na kasama namin sa table.
Vacant namin ngayon kay Ma'am Lanoza at sa susunod na subject kaya naman mahaba haba ang oras namin na magpahinga.
"Pasensiya ka na may iniisp lang"
"Ano ba yung iniisip mo mukhang ang lalim, may problema ba?" Tanong naman ni Gelo.
"Ha? Wala ito, okay lang" wika ko naman
"Andito lang kami kung kailangan mo ng masasandalan okay?" Tumango naman ako at ngumiti.
Nagpatuloy na sila sa kwentuhan pero hindi ako gaanong nakikisali dahil iniisip ko yung naging usapan namin ni Mommy.
Alam ko mali ako at nasaktan ko si Mommy gamit ang mga salitang di kanais nais, nadala lang naman ako ng emosyon ko eh.
Alam kong nagtatampo si Mommy dahil iwas ito sa akin, nung nagdinner na kami kagabi kila Tita Imee ay kinausap nila ako at humingi ako ng tawad sa naging aksiyon ko. Hanggang sa makauwi kami ng bahay ay tahimik lang si Mommy.
Kaninang umaga bago pumasok sa eskwela ay wala kaming kibuan, sila Zia kuya Alfie at kuya Luis lang ang naguusap usap, magsasalita lang kami ni mommy kung tinatanong nila kami. Wala naman si daddy dahil busy ito at maagang umalis ng bahay.
Inabutan na kami ng lunch time sa pagkikwentuhan namin kaya naman pumunta na agad kami sa cafeteria para kumain ng lunch.
"Ibibigay raw ni Ma'am mamaya ang mga coverage ng exam para makareview na tayo. Mukhang mahirap ata ang ipapaexam nito naku naman"
"Sana naman dalian na ang exam"
"Sana"
------
Dumaan ang mga araw at naging tahimik ang bahay, si Zia ay nakicompete sa Division para sa sports niya kaya naman mawawala siya ng dalawang araw, si Kuya Alfie naman ay Nasa singapore dahil sa work, si Kuya Luis palipat lipat minsan ay uuwi ng Ilocos minsan naman ay uuwi sa bahay.
Si Daddy hindi na gaanong busy, ngunit kami naman yung naging abala.Halos hindi na ako lumalabas ng kwarto dahil nagrereview ako ng sobra, alam ko kasing nag aalangan ang grades ko kaya kailangan kong humabol.
Kahit di na mapasok sa ranking basta maabot ko lang yung maintaining average para ss scholar ko.
Hindi parin kami gaanong naguusap ni Mommy, iwas parin ito sa akin alam ko nagtatampo parin siya pero hinayaan ko muna. Tsaka ko nalang aasikasuhin pag tapos ng exam, pag okay na ang lahat. Paminsan minsan ay naguusap pero simpleng at super ikling usapan lang.
--------
"Oh Vianne anak nagmamadali ka ata, halika na at kain na tayo" wika ni Daddy pagkababa ko ng bahay.
Lumapit ako isa isa sakanila at bumeso, "naku daddy pass po muna ako ngayon, kailangan ko pong umalis ng maaga"
"Huh? Pero wala ka pang kain? Diba exam niyo ngayon?"
"Opo, kaya nagmamadali po ako"
"You know that you need to be early pero antagal mo pang gumising" wika ni mommy kaya natahimik ako.
Kung alam mo lang mommy, 4am na ako nakatulog dahil sa dami ng nirereview ko. Balak ko ngang hindi na matulog pero nakaidlip ako at nagising nalang ako nang anong oras na kaya nagmamadali ako.
BINABASA MO ANG
Path of a Lost Flower
FanfictionSi Lily ang batang pilit na hinahanap ang tamang daan patungong tamang landas upang matagpuan ang magandang kinabukasan. Ano nga ba ang tatahaking Landas ng nawawalang bulaklak? Tutubo ba ito sa gitna ng unos na puro damo ang nasa paligid?