Ika-Tatlumpu't Isang Kabanata

649 31 12
                                    

"Nay Auring aalis na po ako at hinihintay na po ako ni Tita sa may harap" paalam ko kay Nanay Auring na nakaupo sa ilalim ng puno sa harap ng bahay nito.

"Ohsige hija, magiingat ka ha?"

"Opo nay kayo rin ho dito, uuwi rin po ako agad" paalam ko at naglakad na papuntang labasan kung saan nandun na sila Tito Bong at Tita Imee na naghihintay sa akin.

Mamayang madaling araw na ang flight namin papuntang Ilocos kaya naman napagdesisyunan nila na ala singko ako susunduin dito.

Ilang sandali pa ay nakarating na ako sa labasan, agad nilang binuksan ang sasakyan at pinasakay ako.

"Sosyal naman ng sundo ko mga anak ng dating presidente" biro ko natawa naman sila.

"Sira ka talaga, we missed you' wika ni Tita sabay pisil ng pisngi ko. Napanguso naman ako dahil medyo masakit yun.

"Tito bong oh yung manang niyo nananakit" sumbong ko.

"Manang naman kaya tayo tinataguan ng batang ito eh" biro ni tito bong sabay yakap sa akin bilang pagbati.

"Namiss ka namin hija, Im sure Mama Meldy will definitely be happy to see you there sa Ilocos"

"Mabuti nga at napilit ko ito eh"

Nagdrive na si tito bong papuntang Forbes kung saan nakatira sila Tito Bong.

"You want to eat first lily? Daan tayo ng fastfood?"

"Ay naku tito wag na po busog pa po ako"

"Ako bonget nagugutom dali idaan mo sa drive thru ng Jollibee" wika ni tita kaya natawa ako.

Wala ng nagawa si Tito Bonget kundi sundin ang Manang niya kaya nagdrive thru muna kami.

"Manang Bayad"

"Aba bakit ako? Ikaw na sumagot diyan"

"Manang naman scammer ka talaga"

"Hoy bonget pag si Lily nag aya libre, pag ako magigign scammer? Sapakin kita diyan eh"

"Sadista ka talaga Manang, kahit si Kuya Rod tiklop sayo eh"

"Naman syempre" mahangin na wika nito. Tawa naman ako ng tawa habang tinitignan silang nagtatalo kung sino magbabayad.

"Manang utang mo yan ha, Lily hija pagkain mo oh" sabay abot ni tito sa akin nung Jollibee

Nagpatuloy na si Tito Bong sa pagkain habang kami naman ni Tita Imee ay kumakain. Yung fries lang kinakain ko dahil busog pa ako samantalang si Tita Imee ay nagkakanin na at sinisimulan ng kainin yung spaghetti.

Nagulat kami ng ihinto ni tito bong sa may bandang park yung sasakyan.

"Ba't mo hininto bonget?"

"Nagugutom rin ako eh, kain muna tayo" wika ni Tito sabay bukas nung pagkain niya.

"Dun tayo sa may bench oh" excited na wika ni Tita Imee sabay baba ng sasakyan at takbo papuntang park.

Wala naman kaming nagawa ni Tito bong kundi sumunod sakanya. Dun kami kumain at hanggang sa pagkain ay nagtatalo parin sila tungkol dun sa pinagbayad sa pagkain.

"Hay nako Ilocano nga po talaga kayo" biro ko sabay tawa.

"Alam mo iyang si Manang ganyan yan lagi simula bata kami. Maraming kukunin na libro sa bookstore pero ako pinagbabayad niya. Ang daya noh?" Tawang tawa naman si Tita Imee.

"Hoy bonget wag kang ano diyan, binubuking mo pa ako kay Lily eh" wika nito.

"Lily Bonget tingin kayo dito dali, picture tayo" wika niya sabay taas nung phone at nagselfie kami.

Path of a Lost FlowerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon