Ika-pitumpu't siyam na Kabanata

751 50 27
                                    

"Lily?" Rinig kong boses habang nasa harapan parin ako ng pintuan ng kwarto ni Mommy sa Hospital.

Lumingon ako at nakita ko si kuya Borgy na may bitbit na paperbag sa magkabilang kamay.

"K-kuya" mahinang wika ko.

"Kakarating mo? Why don't you go inside na?" Tanong niya.

Hindi ako nakasagot, naramdaman ko nalang ang kamay niya sa may ulo ko at ginulo ang buhok ko.

"Scared? Don't worry the dragons are sleeping" wika niya sabay tawa ng mahina.

"You want me to go first?" Tumango ako kaya naman siya na ang nagbukas ng pinto at nauna sa pagpasok kaya naman sumunod ako.

Naghand sign ito ng huwag maingay dahil pagkapasok namin ay tulog si Tita Imee sa may couch at si Mommy naman sa hospital bed.

Maluwang ang kwartong ito, may mini kitchen ito na may maliit na ref at may table na 4 seater sa bandang dulo.

Tumungo si Kuya Borgy sa may lamesa para ilapag ang mga dala niya, ako naman ay naupo sa tabi ng hospital bed at tinignan si Mommy na mahimbing na natutulog.

"Sorry mommy" mahinang wika ko, hindi na ako nakapagsalita ulit dahil tuloy tuloy na sa pagtulo ang mga luha ko.

Pasimple ko itong pinunasan para di mahalata ni Kuya na umiiyak ako.

"Have you eaten?" Mahinang tanong ni Kuya sa akin.

Wala pa pala akong kain simula kaninang tanghali, pero hindi naman ako nakakaramdam ng gutom.

"Not yet but Im still full kuya" sagot ko.

"There's a food here if you want to eat" tumango naman ako.

Inayos ni Kuya ang mga pagkain na dala niya at ako naman ay nakaupo lang na nakatingin kay mommy.

Maya maya ay napansin kong nagising si Tita Imee, hindi niya pa ako napansin dahil si Kuya Borgy ang una niyang nakita.

"You just arrived Borgz?" Tanong niya

Dahan dahan akong tumayo patungo kay Tita para sana bumeso rito pero napahinto ako sa paglalakad nang tumingin siya sa akin.

"Oh, kanina ka pa rin dito? Mabuti naman at naisipan mong umuwi" wika nito.

"Mom" warning ni kuya Borgy dahil halata sa tono ni Tita na hindi ito natutuwa.

"S-sorry tita, I d-didn't know po" mahinang wika ko habang nakayuko.

"Hindi mo alam kasi hindi mo inalam, binabaan mo ako ng tawag diba?"

"S-sorry I thought you guys just want me to go home because mom is mad, I didn't know na may emergency po"

Tumawa si Tita, isang sarkastikong tawa.

"Ganun ba kababaw ang tingin mo sa amin? Na papauwiin ka dahil lang galit si Irene? Hindi mo ba nahalata na may mali sa dami ng missed calls, messages namin sayo? Ganun ba kami kawalang kwenta para sayo na hindi mahalata ang mga ganung bagay ha?" Medyo napataas na ang boses nito kaya naman lumapit na sa amin si Kuya borgy.

Pinapakalma niya si Tita Imee, hindi ko naman mapigilan na umiyak dahil tama siya. Kasalanan ko naman.

"S-sorry"

"Sorry nanaman, di ka ba napapagod magsorry?"

"Mom calm down, Tita Irene might here us baka magising"

"Edi magising, para malaman niya na nandito na yung anak niya"

"Mommy stop it" pagpapahinto sakanya ni Kuya Borgy. Halos ilang sandali rin bago niya mapakalma si Tita Imee.

Path of a Lost FlowerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon