Ika-anim na Kabanata

894 35 5
                                        

"Lily napakatagal kumilos, dalian mo at mahuhuli na tayo. Maguumpisa na ang parade!" Reklamo ni Jenny habang hinihintay akong lumabas sa kwarto ko.

"Oo na ayan na" nagmamadali na rin ako sa kilos dahil alam kong gahol na gahol na kami sa oras.

Dali-dali kaming tumakbo palabas ng bahay at nilock ko na yung pintuan ng bahay.

"Oh Jenny, Lily andito pa pala kayo. Mal-late na kayo" wika ni kuya roger.

"Maganda umaga kuya, opo eh. Bye po nagmamadali na kami" wika namin at tatakbo na sana ng tawagin kami ulit.

"Sumakay na kayo sa tricycle ko, dibale hindi ko kayo sisingilin. Tara na at malayo ang skwelahan mahuhuli kayo kahit takbuhin niyo pa yan" wika niya kaya agad kaming napangiti at sumakay sa tricycle.

"Kuya Roger maraming maraming salamat po ah, babawi kami sa susunod. Bye po" wika ko at kumaway sakanya

"Bye kuya Roger, the best ka talaga. Salamat po" Wika rin ni Jenny.

Halos lahat ng estudyante ay nakalinya na sa may quadrangle, may nagsasalita na rin sa may stage. Mabuti nalang at paumpisa palang.

"Lily mauna na ako sa may pinakalikod kami dahil mga athlete. Dalian mo at baka magsungit nanaman si Miss Irene pag late ka" wika niya tumango naman ako at tumakbo sa may pwesto namin.

"Kanina ka pa hinahanap ni Miss Irene" bulong ni Ellen

"Napasarap kasi tulog ko eh, bad mood ba?"

"Hindi ko alam, para namang hindi dahil nakikipagtawanan siya kanina kila Patricia" tumango naman ako at suminghap.

"Oh Ms. Acosta andito ka na pala" napakagat ako sa labi ko nang marinig ko si Miss.

"Sorry Ms muntik na akong malate, pero nakahabol naman po ako. Di pa po nagistart parade hehe" umiling naman siya sa akin.

"Next time sa mga ganitong event mas agahan mo" wika niya lang at pumunta na ulit sa harap.

Nagumpisa na ang parade at nauna ang mga lower level.

"Walang magulo sa linya habang nagpaparada, wala din masyadong maingay at higit sa lahat walang magsshortcut" seryosong wika ni Miss kaya naman tumango kami.

Nang turn na namin ay tahimik lang akong naglalakad kasabay sila Ellen dadalawa lang kami sa pinakalikuran kaya naman tumabi sa amin si Miss para daw makita niya kung sino ang hihiwalay sa linya.

"Did you eat your breakfast?" Tanong niya habang naglalakad kami.

Tignan mo itong si Miss, sabi walang maingay pero siya ang nangunguna sa pakikipagusap.

"Hehe late na ako Miss wala ng time, mamaya nalang ako kakain"

"What about Jenny? Where is she? Nasa linya na ba siya ng mga athlete?"

"Yes po, kasabay ko po siya hinintay niya po ako" tumango naman ito.

Sa buong parade ay nagsusuway lang si Miss ng mga kaklase naming pasaway. Strikta talaga itong si Miss pagdating sa mga rules, gusto niya maayos lahat.

Nang makabalik kami sa school ay dumiretso kami sa area namin kung saan nakapwesto ang upuan namin para makinig ng mga speeches bago magsimula ng event.

"Jenny anong ginagawa mo rito? Baka hanapin ka ng coach mo, maya maya ay tatawagin na kayo sa harapan" wika ko nang lumapit si Jenny sa akin.

"Ibibigay ko lang ito sayo, nakalimutan kog ibigay kanina. Almusal mo raw sabi ni Aling Teresa dahil nalaman niyang minamadali kita kanina" napangiti naman ako.

Path of a Lost FlowerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon