Umpisa

1.9K 48 8
                                    

"Good Morning Aling Teresa!"

"Magandang Umaga Kuya Roger at Kuya Ronald"

"Kuya Zian! Ang aga mo ata ah, saan ang lakad natin?"

"Manang Nena magandang umaga po, pakitirahan po ako ng tinda niyong bananaque mamaya huh?"

"Manong Jessy mukhang maganda ata gising natin ah? Magandang umaga po"

"Hi Joanne, ang aga naman nagising ng baby niyo. Ang cute"

"Darryl kita tayo sa may palengke mamaya ah! Yung Libre ko, magandang umaga"

Sunod-sunod na bati ko sa mga kapitbahay na nadadaanan ko habang naglalakad.

"Oh Lily Papasok ka na sa skwelahan? Napaaga ka ata ngayon" tanong ni Aling Paz na kay aga aga naglalaba na.

"Opo pero daraanan ko po muna ang bahay ni Ms. Dela Fuente may iuutos po kasi siya, sayang rin ang kita dun" sagot ko naman

"Osigee mag-iingat ka ha. Dumaan ka rito sa bahay bago ka umuwi at magluluto ako ng spaghetti dahil birthday ko"

"Birthday niyo 'ho ngayon? Happy Birthday Aling Paz, nadagdagan ka man ng edad mukha ka paring bata"

"Bolera ka talaga, osiya sige pumunta ka ba sa pupuntahan mo at nang di ka mahuli sa klase mo"

"Sige po, Happy Birthday po ulit. Bye po"

Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa makarating sa bahay ni Ma'am Dela Fuente, isang Retired na guro sa aming skwelahan.

"Maganda Umaga po Ma'am" pagbati ko

"Magandang umaga Lily, halika at kumain ka muna rito"

"Ay hindj na po, busog pa po ako binigyan po kasi ako ni Aling Nena ng Sopas na niluto niya kanina"

"Ganun ba? Saglit at kukunin ko na ang ipapadala ko kay Ma'am Perez" wika niya tumango naman ako at naghintay.

"Heto Lily, Kaya mo ba? Medyo mabigat yan anak"

"Nako Ma'am kayang kaya po, para saan nga po pala ito at mukhang marami rami? Lalayas na po ba ang Paborito kong Guro?" Pabirong wika ko.

"Nabanggit niya na pala sainyo, akala ko ngayon niya palang sasabihin eh. Mamimiss kayo nun lalo ka na" napakunot ang noo ko sa narinig

"Aalis na po si Ma'am Dulay? Bakit po? Saan daw po pupunta?"

"Ay di pa niya nasabi? Nako lagot ako neto, kasi Lily kailangan niyang pumunta ng Ibang Bansa dahil kailangan siya ng magulang niya roon" tumango nalang ako at nalungkot sa balita.

"Huwag ka ng malungkot, alam mo naman yun ayaw niyang nakikita kang malungkot"

"Opo Ma'am, sige po mauna na po ako. Salamat po"

"Salamat rin hija, magiingat ka"

-------

"Oh Lily, mukhang hindi ata maganda ang araw mo ngayon ah. Ano ang mga dala mo?"

"Good Morning po Kuyang Guard, Kay Ma'am Perez po ito"

"Heto bigay ito ng anak ko sa akin ibibigya ko nalang saiyo at mukhang malungkot ka" wika niya sabay abot ng Cloud 9 Chocolate sa akin kaya napangiti ako.

"Salamat po kuya, may iniisip lang po. Mauna na po ako, salamat po ulit" wika ko at naglakad na papasok ng School.

"Maganda Umaga Lily" masayang bati sa akin ni Ma'am Perez pagkapasok ko ng room namin, ako palang ang studyante dahil maaga pa.

"Maganda Umaga Ma'am Perez" matamlay na wika ko.

"Oh bakit mukhang malungkot ka?"

Inilapag ko sa mesa ni Mam ang mga dala kong bigay ni Ma'am Dela Fuente.

"Pinamimigay po pala ni Ma'am Dela Fuente"

"Salamat anak, mukhang alam ko na kung bakit ka matamlay" ngumiti lang ako sakanya ng tipid at umiwas ng tingin. Ayokong umiyak sa harapan niya.

"Halika nga rito" wika niya at hinila ako palapit sakanya. Nagtabi kami sa upuan niya

"Totoo po ba?" Unti unti siyang tumango

"Pasensya na Lily kung di ko sinabi agad, noong una kasi ay hindi naman ako sigurado kung matutuloy ako. Ayaw ko naman umalis eh pero talagang kailangan. Sana Maintindihan mo anak" mahinahong wina niya habang pinapahid ang mga luha ko

"Huwag ka ng umiyak please?"

"Ma'am naman eh, paano nalang ako kung wala ka? Madaya ka po, akala ko ba walang taguan ng sikreto bakit biglaan naman po ito?"

"Alam ko kasing malulungkot ka kaya di ko sinabi agad, pasensya ka na. Dibale pwede naman tayong magusap lagi sa cellphone, kaya nga ito oh binilhan kita ng bagong phone at alam kong hindi makakapagvideo call yan cellphone mong dipindot" wika niya at sabay pakita sa akin ng bagong cellphone.

"Nako Ma'am huwag na po nakakahiya di ko po matatanggap yan, dadaan nalang po ako lagi sa computer shop ni Kuya Macoy at doon kita kakausapin"

"Tanggapin mo na Anak, sige ka magtatampo ako. Binili ko talaga ito para makausap kita palagi, baka mamaya ipagpalit mo ako eh"

"Ma'am naman, hinding hindi mangyayari yun. Ikaw kaya ang pinaka the best para sa akin"

"Talaga lang ha? Tanggapin mo na ito, isipin mo nalang na advance birthday gift ko, advance pachristmas at advance congratulations gift" nataw naman ako sa sinabi niya. Wala na rin akong nagawa kundi tanggapin ang binibigay nya.

Tinuruan niya ako kung paano gamitin ang cellphone. Maya maya ay nagsidatingan na ang mga kaklase ko kaya naman pumunta na ako sa upuan ko.

Nang magtime na ay kinausap kami ni Ma'am Perez at sinabi ang tungkol sa pag alis niya, marami sa amin ang nalungkot at umiyak kaya naman sa huling pagkakataon ay nagclass picture kami. Namigay rin si Ma'am ng mga chocolate sa bawat isa sa amin. Hindi na ito nagklase sa amin at nakipagkwentuhan at tawanan nalang sa huling pagkakataon.

"Ma'am Sino na po ang magiging Adviser namin kung ganun?"

"Parating palang siya mga anak, mamaya ay pupunta siya rito para magpakilala. Magpakabait kayo sakanya huh? Mabait na guro yun at maganda"

"Mas maganda sayo Ma'am? Di kami naniniwala" wika ng iba

"Loko kayo, basta magpakabait kayo huh? Kakamustahin ko kayo Kay Ma'am at pag di kayo behave ibblock ko kayo sa facebook" biro nito kaya tumawa kami.

Ilang sandali pa bago magtimr ay ipinatawag si Ma'am Perez sa Office kaya naiwan kaming mga studyante sa room.

"Kamusta ka? Ayos ka lang ba?" Tanong ni Jenny sa akin.

"Ayos lang naman Jenny di lang maiwasan ang malungkot sa pagalis ni Ma'am Perez"

"Paniguradong mamimiss ka rin ng sobra ni Ma'am parang anak ka na niya kaya kung ituring"

"Okay Class, may ipapakilala ako sainyo" biglang wika ni Ma'am pagkabalik ng room

"Please welcome Ma'am Irene Araneta as your new Adviser" announce niya kaya nagsitayuan kami at tumingin sa pinto kung saan pumasok ang isang matangkad at magandang babae na short hair.

Ngiting-ngiti ito na pumasok sa room at kumaway sa amin, mukha naman siyang mabait pero may iba akong nararamdaman. Ewan ko ba siguro ayaw ko lang ng bagong adviser dahil para sa akin walang tatalo kay Ma'am Perez.

"Good Morning students, I am Irene Araneta your new adviser. Sana ay maging malapit kayo sa akin kagaya ng sobrang lapit niyo Kay Ma'am Perez" wika nito. Maganda ang boses nito at halatang yayamanin dahil sa accent.

Maging malapit sakanya katulad kung gaano kami kaclose kay Ma'am Perez? No way, walang papalit kay Ma'am Perez. Siya ang pinaka the best at walang makakatalo dun.

Path of a Lost FlowerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon