Ika-labing anim na Kabanata

735 28 0
                                        

"Okay Class any questions?"

"None Ma'am"

"Okay get one-fourth sheet of  paper and let's have a short quiz" wika nito, lahat kami nataranta dahil sa biglaang announce niya ng quiz.

"Aray ano ba Jenny" bulong na reklamo ko kay Jenny na kanina pa ako sinisipa.

"Pengeng sagot" bulong niya natawa naman ako.

"Hindi ka ba nakinig?" Umiling ito. Pasimple kong ginilid ang paper ko at kunwari ay nag-iisip para di kami mahalata.

Nagthumbs up siya sa akin after kopyahin ang nasa paper ko.

Sinasagutan ko ang pangalawang solving na pinapagawa ng sikuin nanaman ako ni Jenny.

"Ano nanaman? Di pa ako tapos" pabulong ko

"Oh kopyahin mo na, binigay ni Del Valle" wika niya at ngiting ngiti dahil nakasagap ng ayuda.

"Ayos ah naunahan mo pa ako makasagot" wika ko habang natatawa.

"People at the back! First warning" striktang wika ni Ma'am kaya naman agad ko ng sinulat ang papel ni Jenny na naka gilid para makita ko.

Saktong pagtapos ko naman magsulat ay nagikot-ikot si Ma'am. Mabuti ay di kami nahuli.

"Okay if you're done, you may now pass your paper and go out. Good bye class" wika nito.

Agad na kaming tumayo para ipass ang paper kay Ma'am at lumabas ng room.

"Hoy mabuti at di ka nahuli" wika ni Del Valle kay Jenny

"Gago muntik na nga, ito kasing si Lily andami pang tanong di nalang isulat. Duda ata sa sagot mo"

"Hoy Jenny wala akong sinabing ganyan, halika nga rito at nang mahila ko yang buhok mo" wika ko. Tumawa naman sila.

"Saan kayo tatambay? Wala ng klase, vacant daw sa Mapeh pero magreview"

"Ay may training ako, iwan ko muna sainyo si Lily. Girl alis na ako bye" wika ni Jenny at nagmamadaling umalis kaya naman naiwan ako kasama itong tatlong mukong na basketball players namin.

"Saan kayo?" Tanong ko

"Kung saan ka" wika naman nung isa kaya siniko ko

"Aray! Amazona ka talaga kahit kailan" reklamo niya kaya tumawa kami

"Dadaan ako sa room dahil naiwan ko tumbler ko, bahala na kung saan ako tatambay" wika ko

"Sama kami" wika ni Del Valle pero hinampas siya ni Peter.

"Gago pre may training daw tayo, hayop na yan nakatunog lang na vacant natin nagtawag na ng training" reklamo nito kaya natawa ako

"Akala niyo lulusot kayo noh? Di na kayo nasanay, osige training well. Bye" wika ko at naglakad na paalis para magtungo sa room.

Saktong pagdating ko ng room ay walang tao kaya naman dito na muna ako tumambay, nakita ko yung tumbler ko sa table ni Ms kaya naman kinuha ko ito.

Tumunog ang phone ko at nakitang si Ma'am Yen ang tumatawag, sinagot ko ito pero boses ni Ma'am roda ang bumungad sa akin

"Hello Lily?"

"Ma'am Roda? Miss mo'ko?" Biro ko tumawa naman siya. Napakasoft talaga ng isang ito, ang sweet sweet ng tono ng boses kahit hagikhik lang

"Yeah I wouldn't deny it. May gagawin ka mamaya?"

"Ah wala naman po, bakit po? Aayain niyo ako magmall tas lilibre niyo ako?"

Path of a Lost FlowerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon