"Lily Saan lakad mo? Uuwi ka na?" Tanong ni Jenny habang tinitignan akong nag-aayos ng gamit.
"Oo eh, parang pagod kasi ako kaya gusto ko munang magpahinga" sagot ko.
Isa isa nang nagsilabasan ang mga kaklase namin sa room para umuwi o tumambay muna sa campus.
"Okay ka lang ba talaga?" Bulong ni Jenny sa akin kaya napatingin ako sakanya saglit at iniwas ang tingin.
Ngumiti ako sakanya at tumango.
"Siguro medyo hindi? Pero tinatry ko naman maging okay, kinakaya ko parin naman lahat" sabay ngiti ko sakanya.
"Dalian mo na riyan, tara na?" Wika niya bigla kaya napatingin ako sakanya.
"Huh? Hoy ano ka ba okay lang ako, uuwi nalang ako. Hindi ka pa pwedeng umuwi dahil may training pa kayo"
"Okay lang yun magpapaexcuse nalang ako kay Coach, tara na. Saan mo gusto? Libre kita Ice Cream" nakangiti niyang wika.
"Jenny okay lang talaga ako. Kailangan mong umattend sa training niyo malalagot ka kay coach niyan eh"
"Libre kita Ice cream ayaw mo? Tatanggihan mo yung Libre? Hala himala" natawa naman ako.
"Tatanggihan ko ngayon pero sa lunes ililibre mo ako aba di pwede noh. Basta kailangan mong magtraining, wag kang mag alala sa akin uuwi lang ako at magpapahinga" wika ko para kumbinsihin siya, huminga ito ng malalim at tumingin sa akin.
"Osige na nga, sa lunes na kita ililibre. Basta message mo ako kung need mo ng kausap huh? Magiingat ka pauwi" tumango naman ako at ngumit.
"Maraming Salamat Jenny"
"Wala iyon, osige mauuna na ako sa gym okay? Ingat ka"
"Oo ikaw rin, galingan mo!" Lumabas na ng silid si Jenny at magisa ko nalang ang naiwan. Aalis na rin sana ako nang biglang pumasok si Ms. Irene sa room.
"Oh Lily you're still here, wala ba kayong susunod na klase?"
"Wala na po kaming klase Ms, may pinuntahan po kasi sila Ma'am eh kakaannounce kanina" tumango naman ito.
"Donuts? Samahan mo na muna akong magmeryenda" wika niya.
"Wag na po Ms busog pa po ako, uuwi na rin po kasi ako eh"
"Why? Is there anything wrong?" Umiling ako
"Wala po Ms, gusto ko lang pong magpahinga parang ngayon lang po kasi ako nakaramdam ng pagod"
Ang reaksyon ni Ms ay kagaya sa reaction kanina ni Jenny.
"Halika ihahatid na kita kung ganun"
"Wag na po Ms, makakaabala pa po ako sainyo eh. Kaya ko na po promise" ngumiti naman ako
"Basta tawagan mo ako kung may kailangan ka. Magiingat ka"
"Salamat po"
-------
"Lily! Tawag na tayo ni Sister Kath"
"Mark ano ba ibigay mo na kasi yan sakin" naiinis na wika ni Lily
"Ayoko nga, abutin mo muna blehh" sabay tawa ni Mark at tumakbo, hinabol naman siya ni lily
"Ano ba Mark, isusumbong kita kay Sister" naiiyak na wika ni Lily.
"Oo na sorry na, heto na oh. Iyakin ka talaga"
"Hoy kayong dalawa di pa ba kayo lalapit? Ano ba kanina ko pa kayo tinatawag, bingi ba kayo?" Masungit na wika ni Alena habang nakapamewang.
![](https://img.wattpad.com/cover/323502271-288-k912897.jpg)
BINABASA MO ANG
Path of a Lost Flower
أدب الهواةSi Lily ang batang pilit na hinahanap ang tamang daan patungong tamang landas upang matagpuan ang magandang kinabukasan. Ano nga ba ang tatahaking Landas ng nawawalang bulaklak? Tutubo ba ito sa gitna ng unos na puro damo ang nasa paligid?