"ZIA!"
Napalingon kami dahil sa narinig na boses at nakita si Mommy na galit na galit.
"M-mom" mahinang wika namin dahil sa pagkabigla
"Ano ba kayo rinig na rinig yung boses mo Zia ang layo layo ko palang. Hindi ba kayo nahihiya ha? Na dito pa talaga sa school kayo mag-aaway?" Natahimik naman kami, galit na galit siya at isang gatong pa ay mukhang sasabog na ito.
"Pasalamat kayo at wala ng gaanong tao rito, mahiya naman kayo!"
"Next time ilugar niyo naman kung may hindi kayo pagkakaunawaan. Nakakahiya Zia!" Pigil na pigil na wika ni mommy, mahina niya lang kami pinapagalitan dahil siguro sa hiya na na may makarinig.
"Ikaw naman lily what are you doing here huh? Diba pumasok ka?"
"P-pwede na pong umuwi eh, t-tapos na po kasi yung comput---"
"Umuwi na kayong dalawa kung ganoon. Please lang umuwi na kayo at hintayin niyo ako sa bahay, walang aalis at mag-uusap tayo" nanggigil na wika niya kaya napatango kami.
"But I don't want na magcommute" reklamo pa ni Zia kaya nilingon siya ni Mommy with death glare.
Mapapaatras ka talaga pag ito ang kaaway mo eh. Tingin palang talo ka na.
"Pumunta muna kayo sa room ko, nay aasikasuhin lang ako and then mageearly out nalang ako"
"Uuwi nalang ho ako, okay lang po sa aking magcommute" wika kk
"Wait for us, wala na munang uuwi. Pumunta na kayo sa room ko at please have some respect, marinig ko lang na nagsisigawan nanaman kayo humanda kayo sa akin" wika niya at naglakad na paalis
Nagkatinginan kami ni Zia pagkaalis ni Mommy, inirapan niya ako at nauna na itong naglakad patungo sa room ni Mommy.
Hindi naman na ako pumasok sa room niya dahil andun si Zia, baka mag-away lang kami kaya naman tumambay nalang ako sa may harap kung saan ang garden nila.
Mahigit dalawampung minuto ko rin pinagmasdan ang mga tanim na bulaklak sa garden bago dumating si Mommy
"What are you doing here outside?"
"Baka po magaway kami kung magkalapit kami ni Zia eh" wika ko tumango naman siya
"Wag ka ng lalayo, I'll just prepare my things and we'll go home na" wika niya kaya tumango ako.
Buong biyahe pauwi hanggang sa makarating kami ng bahay ay tahimik lang at walang nagsalita sa amin kahit isa. Agad naman nagtungo si Zia sa kwarto niya at di na nagpaalam.
Akmang kakausapin ko rin sana si Mommy pero mukhang pagod ito kaya hinayaan ko narin na siya na pumuntang kwarto nila.
Nagpahinga na rin muna ako sa kwarto, gusto ko sanang matulog dahil parang pagod na pagod ako pero hindi naman ako dinadalaw ng antok kaya naman nang mag alasais na ay napagpasyahan ko na magluto nalang ng ulam.
Habang nagluluto ay nagring ang phone ko, tinignan ko kung sino ang tumatawag at si Steph iyon kaya naman sinagot ko.
"Finally after decades of calling and contacting you, you answered" wika nito. Natawa pa ako ng mahina.
"Sorry Ma'am, busy eh"
"Can you open your cam? Where are you? I wanna see you" mahinahon na wika nito, napangiti naman ako kahit papaano.
Alam niya talaga kung kailan okay ako o kung kailan kailangan ko ng presence niya.
Inayos ko muna ang sarili at inopen ang cam, nakita ko rin siya na nakahiga pa sa kama dahil umaga ngayon sakanila.
BINABASA MO ANG
Path of a Lost Flower
FanficSi Lily ang batang pilit na hinahanap ang tamang daan patungong tamang landas upang matagpuan ang magandang kinabukasan. Ano nga ba ang tatahaking Landas ng nawawalang bulaklak? Tutubo ba ito sa gitna ng unos na puro damo ang nasa paligid?