"Okay Class that's all for today's lesson, Goodbye Class" wika ni Ma'am Lanoza kaya agad kaming nagsiligpit ng gamit para magready na at umuwi.
Halfday lang kami ngayon dahil may magaganap na meeting ng mga teacher ngayon, balak kong pumunta muna sa dati kong school para madalaw sila Ma'am Yen at Ma'am Roda.
"Uuwi ka na agad lilienne? Sama ka muna sa'min tatambay kami sa may cafe sa labas ng school, Tara" wika ni Alice pagkalapit nito sa akin.
"Naku Alice pasensiya ka na ha, dadalaw kasi ako sa dati kong school eh. Hayaan mo next time sasama ako sainyo"
"Sabi mo yan ah? Mauna na kami, magiingat ka" paalam niya at umalis na.
Naglakad na rin ako palabas ng school, sumakay nalang ako sa jeep para kahit papaano makatipid ng pasahe, mas mahal kasi pag tricycle.
Inopen ko muna ang phone ko at may nakita akong message ni Daddy kaya agad ko itong binasa.
Daddy:
Lily anak anong oras ang uwi niyo? Your mom called and I have to fetch you early cause we need to go to San Juan for dinner.
Agad na akong nagtipa ng irereply, para makapagpaalam na rin ako na uwian na namin at pupunta ako sa school.
Napangiti ako nang maisip ko na makikita ko nanaman sila Mama Meldy. For sure magiging masaya nanaman dahil sa makukulit naming Pinsan.
Nakauwi na kaya si Tita Imee at Tito Rod? Halos magiisang buwan na simula nung tumira ako sa bahay ng mga Araneta pero hindi ko parin nakita si Tita Imee, nagout of the country daw ang mga ito para sa celebration ng Anniversary nila.
Sanaol po.
Naalala ko tuloy nung unang beses kong makita sila Mama Meldy at tito bong simula nung tumira ako sa mga Araneta.
Flashback:
"Lily apo ko, miss na miss ka na ni Lola. Sobra kitang namiss apo, kaya pala ang gaan gaan ng loob ko sayo dahil ikaw si Vianne, masaya akong makasama ka ulit apo" halos paiyak na wika ni Mama Meldy pagkakita sa akin.
"Namiss rin po kita Mama Meldy, masaya po akong makita ka ulit" wika ko sabay yakap sakanya, niyakap rin naman ako nito ng mahigpit.
"Lily is that you? Omg Bong Lily's here!" Excited na boses na narinig namin, si Tita Liza iyon kaya lumingon kami.
"Tita Liza" banggit ko sabay takbo sakanila. Agad nila akong niyakap ni Tito Bong.
"Namiss ko po kayo" maluha-luhang wika ko.
"Namiss ka rin namin Lily" natutuwang wika ng mag-asawa sa akin.
"Kailan ka pa nila nahanap? Andami mo ng utang sa amin, nung una tinataguan mo kami ngayon naman nilayuan mo kami" nagdadamdam na wika ni Tito Bong.
"Sus Tito tampo yern? Ang mahalaga po nandito na ako ngayon" nakangiting wika ko.
"So you mean nakatira ka na kila Irene?" Wika ni Mama Meldy, tumango ako
"Yes Mom, Finally" lumuluhang wika ni Mommy kaya natawa ng mahina sila Tito bong ng makita nila ito.
"Mom oh tinatawanan ka ni Tito Bong" makulit na wika ni kuya Luis.
"Hate you bonget" sabay irap niya rito.
"Wala lang cash sa akin luis" biro ni tito.
BINABASA MO ANG
Path of a Lost Flower
FanfictionSi Lily ang batang pilit na hinahanap ang tamang daan patungong tamang landas upang matagpuan ang magandang kinabukasan. Ano nga ba ang tatahaking Landas ng nawawalang bulaklak? Tutubo ba ito sa gitna ng unos na puro damo ang nasa paligid?
