Ika-labing Walong Kabanata

641 26 5
                                    

"Magandang Umaga Manong Guard"

"Aba bawing bawi ngayon lily ha, napakaaga mo. Magandang umaga"

"Mahirap na baka malate nanaman ako eh kaya inagahan ko na po"

"Mabuti naman, balita ko strikta pa naman si Ma'am Irene pagdating sa oras"

"Oo nga po eh, sige po mauna na po ako ha" wika ko sabay lakad papuntang room namin.

Sobrang aga pa talaga kaya uunti palang ang tao sa school. Mabuti nalang at nauna ang keyholder namin na si Micee kaya bukas na ang room nang dumating ako.

"Nakapagreview ka?" Tanong niya.

"Hindi gaano, bahala na mamaya sa quiz" wika ko.

Hindi ko naman talaga magets yung topic kahapon. Kahit anong pilit kong reviewhin yung ibinigay ni Jenny na hard copy ng discussion ay wala rin. Wrong timing talaga pagiging late ko kahapon.

Hindi ko rin tuloy alam paano harapin si Ms niyan. Hindi naman na masama ang loob ko sakanya pero nahihiya ako.

Kinuha ko ulit ang reviewer at pinilit ko itong intindihin, may unti akong nagets pero may ibang parte parin na naguguluhan ako.

Nagsidatingan na ang mga kaklase ko pati na rin si Jenny na nagrereview rin

"Jenny pakopyahin mo ako mamaya wala akong alam sa topic kahapon, di ko talaga magets"

"Oo sige, gets ko rin yung unti pero pag di ko alam isasagot maya sasagap tayo sagot" tumawa naman ako ng mahina

"Sana wag maghigpit masyado si Ms sa quiz, hirap makakuha sagot eh"

"Sana nga, wala pa naman akong gaanong alam dito" wika ko.

Ilang sandali ay dumating na si Ms. Nagkatinginan kami ng lumingon ako pero agad akong umiwas ng tingin.

Bumati kami kay Ms at bumati rin naman siya pabalik.

"Okay you still have 10 minutes to review, Kukunin ko lang sa admin ang mga prinint ko for your quiz today" wika ni Ms at umalis.

Pagkabalik nito ay may dala dala na itong test papers. Juzko naman para naman ng exam eh quiz palang.

"Kinakabahan ako" wika ko

"Hindi yan, sasagap tayo ng sagot. Di pwedeng di makakuha ayuda noh" tumango ako

Pumunta na sa pinakaharap si Ms dala ang mga print-out papers. Nagpray muna kami bago magstart ang class.

"Okay Class before you take your quiz, I have an announcement" wika nito. Lahat ay nakatutok siguro kabado rin.

"2 sets po ang ginawa ko, so meaning may set 1 may set 2. First set ang mauunang magquiz, you only have 30 minutes to answer your quiz, after time papasok ang 2nd set at sila naman magt-take ng quiz" announced niya. Napapikit naman ako, lagot.

"Yes Emily? You have questions?"

"Ah Ms, how are you going to divide us? Is it alphabetically Arrange?"

"Yup, Kaya makinig kayo babanggitin ko ang odd tas even at iyon magkakasama"

"Gago jenny wala akong gaanong alam dito, magkasama ba tayo?"

"Hindi ko alam gaga, ang strict ni Ms shetzz"

Inannounce na ni Ms ang odds at napasama ako don. Magkahiwalay kami ni Jenny at ang kasama ko ay si Del Valle.

"Gago anong isasagot ko" wika ko

"Teka bubulungan ko si Del Valle na pakopyahin ka"

Bago lumabas sila Jenny ay lumapit muna siya kay Del Valle at tumango ito.

Path of a Lost FlowerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon