Ika-animnapu't siyam na Kabanata

739 49 37
                                    

"Are you still crying there? Myghad lily, I'll go there na. Baka mamaya ay hikain ka lagot ka talaga sakin" wika ni Jenny sa phone.

After ng sumbatan namin ni mommy ay dumiretso ako sa kwarto ko, hindi ko mapigilan maguilty at the same time masaktan sa nangyayari sa amin.

Kasalanan ko, oo. Aminado ako pero hindi ko na rin kasi alam kung saan ako lulugar.

"I'm fine jenny, don't worry" wika ko naman habang hindi mapigilan ang paghikbi.

Ilang minuto matapos akong makarating sa kwarto ko kanina ay tumawag si Jenny, sinagot ko naman ito at nabigla siya ng malaman na umiiyak ako.

"Tumahan ka na diyan. Pakalmahin mo ang sarili mo at ayusin mo yan. Lily kaibigan mo ako pero hindi na tama ang ginagawa mo kay Ms. Irene, sigurado ako kung nasasaktan ka ngayon mas nasasaktan yun" wika niya.

"Napapagod na ako Jenny" wika ko habang humihikbi.

"Hoy babae ka huwag mo ngang sabihin yan kinakabahan ako sayo eh" wika niya na kahit papano ay nakapagpatawa sa akin ng unti.

"Silly, im not going to take my life noh"

"Mabuti naman kundi papatayin kita ng dalawang beses" wika niya kaya tumawa na ako.

"Oh ayan finally tumawa ka na, compose and calm yourself na and then talk to your mother. Just here if you need help ha? Sige na I gotta go, tumahan ka na diyan" wika niya kaya naman nagpaalam na ako at inend ang call.

Pilit kong kinalma at pinatahan ang sarili ko, tama si Jenny ako ang may kasalanan kaya dapat lang na ayusin ko na ito ngayon pa lang.

Lagpas ala-singko na pero di pa lumalabas ng kwarto si Mommy, kanina pa ako rito sa sala at inaabangan siya.

Huminga ako ng malalim at napagdesisyunan nalang na magluto ng hapunan, nagluto ako ng adobo at nang matapos ay pinuntahan ko na si Mommy sa kwarto nila.

Kumatok muna ako pero walang sumasagot kaya binuksan ko na ang pinto, nakita ko si Mommy na nakahiga sa kama.

"M-mommy?" Tawag ko. Gumalaw ito at nagkumot hanggang ulo

"N-nagluto po ako ng hapunan, k-kain na po tayo" naiiyak na wika ko.

"Im not hungry" cold na sagot niya.

"P-pero s-sayang naman po yung niluto ko kung wala----"

"I said I'm not hungry. Kumain ka na dun at hindi ako kakain"

"K-kahit unti lang po mommy, p-para may laman yung tiyan---"

"Lily ano ba sinabing hindi ako gutom eh. Ayokong kumain okay?" Wika niya at tumingin na sa akin matapos niyang padabog na tanggalin ang kumot at humarap sa akin.

Mugto ang mata niya at napansin ko sa isang gilid ang nebulizer.

"B-bakit po may nebulizer diyan? M-mom are you okay?" Nag aalalang tanong ko. Agad namang tinakpan ni mom ng unan yung nebulizer.

"Im fine, please get out I want to take a rest" malamig na wika nito.

"C-can I stay here? Just want to mae sure that you're okay----"

"Lily wag ng makulit please. I said gusto kong magpahinga, magpahingang mag-isa. So please leave me alone"

Unti unti nang nagsitulo ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan.

"What are you waiting for? I said I want to be alone, please leave. Leave me alone!" Napalakas na wika niya kaya naman tuluyan ng tumulo ang mga luha ko at dali dali akong lumabas ng kwarto ni mommy.

Path of a Lost FlowerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon