Ika-labing apat na Kabanata

825 29 4
                                        

"Irene bilisan niyo, nauna na sila Mommy sa Simbahan at hindi na tayo mahintay"

"Oo na Manang ito na tara na" nagmamadali na wika ni Ms at hinawakan ako sa kamay sabay lakad pasakay ng sasakyan.

Kaming tatlo nalang ang naiwan sa bahay nila dahil lahat sila ay nauna na sa simbahan.

Lagpas ala syete palang ng umaga pero busy na agad ang mga lola niyo.

Habang nasa loob ng sasakyan ay aligaga si Tita Imee dahil ilang sandali nalang ay maguumpisa na ang misa.

"Manang can you please calm down? 7:30 pa magstart ang misa" wika ni Ms.

"Pag tayo pinagalitan ni Mommy ikaw ituturo ko" wika niya

"Luh ba't ako? Eh pareho lang naman tayong nahuli ng gising ah" wika naman ni Ms, patago akong tumawa.

"Si lily nalang ang ituro natin sigurado ako di yan papagalitan ni Mommy, galing ko talaga" wika ni Tita

"Hala ako pa talaga? Eh kung di dahil sakin baka siguro hanggang ngayon tulog pa po kayo" natatawang wika ko. Paano ba naman kasi nag-aya sila na magmovie marathon kagabi kaya ayun puyat sila ako pa ang gumising sakanila.

Ilang sandali pa ay nakarating na kami sa simbahan. Mabuti ay nakaabot kami sa oras at ilang minuto pa bago maguumpisa ito.

Sinalubong kami ng mga tao na agad naman nilang binati. Pagkarating namin sa may simbahan ay nakita ko sila Mama Meldy at ang buong Marcos Fam na magkakatabi sa harap.

"Greggy's here?" Tanong ni Tita kay Ms, nasa harapan kasi si Tito Greggy kausap si tito bong at isang lalaki

"I don't know, ang alam ko mamayang gabi pa dating niya"

"Is that kuya Rod?" Wika ni Ms, nagtataka ang dalawa ng pareho nilang makita ang kanilang asawa na nakikipagusap sa kapatid nila

Nang makalapit kami sa harap ay agad na akong umupo sa tabi nila kuya Borgy, habang sila Tita at Ms naman ay dumiretso sa asawa nila.

"Lily Come here first hija" tawag sa akin ni tita Imee kaya lumapit ako.

"Lily this is Tito Rod, my husband. Rod this is Lily, estudyante ni Irene pero pwede na ring anak ko, anak natin" wika nito sabay hagikhik

"Good Morning po Sir" bati ko, para itong masungit kung titignan mo

"Tito nalang Lily, don't be shy mabait ako promise" wika nito. Napangiti naman ako dahil dun

"Have you been to davao hija?" Umiling ako

"You should visit our place, I'll treat you there" wow yaman naman ng asawa ni Josefa.

"Talaga po? Naku tatandaan ko po yan, kayo po unang hahanapin ko sa Davao" biro ko

"Lily Psst!" Sabay kalabit sakin ni tito greggy

"Nakilala mo lang tito rod mo di mo na ako napansin, tatampo na ako" wika nito, natawa kami at hinampas siya ni Ms

"Naku tito para ka namang bata diyan, mabuti po at nakarating kayo ng maaga sabi po kasi ni Ms gabi kayo darating eh"

"Syempre we can't miss this day noh, Mabuti at itong si Rod nagsabi na magmamadaling araw siya ng alis kaya sumabay na ako"

Nang magsimula na ang misa ay agad na kaming umupo at tahimik na nakinig kay father.

------

"Hala Ms ang daming tao" wika ko pagkahinto ng sasakyan namin.

Pagkatapos naming nagmisa ay dumiretso kami agad sa sasakyan dahil may pupuntahan daw kami.

Path of a Lost FlowerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon